Single Blog

A Time For Everything

THERE IS A TIME FOR EVERYTHING

May panahon ng pag luha, may panahon rin naman ng pag tawa..
May panahon para maglaro, may panahon magtrabaho..
May panahon ng paglakad, may panahon ng pagtakbo..
May panahon na nasa ilalim ka, may panahon na nasa ibabaw ka..
May panahon na walang nakakakilala sayo, may panahon na sikat na sikat ka..
May panahon na mahirap ang buhay mo, may panahon na maginhawa..
May panahon na pagkadapa, may panahon ng pagbangon at pagtayo..
May panahon na may kaunti ka lang, may panahon na masagana ka naman..

There is a time for everything. Katulad ng panahon na nag babago. Sa buhay natin, may mga pagbabago ding nagaganap. Sabi na nga ng mga sikat, ‘Minsan ikaw ay nasa ibabaw, minsan ikaw ay nasa ilalim.’

Minsan may mga pagbabago na nagdudulot ng lungkot at pasakit sa ating mga puso. May mga pagbabago rin namang nagbibigay sa atin ng bagong pagkakataon. Iba-iba ang mga pagbabago na mararanasan natin at dapat tayong maging handa dito.

As we walk through life, we experience so many things, we encounter different kinds of testings and challenges, we learn different lessons and we face different seasons. Minsan may mga pagbabago sa buhay natin na gusto natin, pero minsan may mga pagbabago na hindi natin matanggap. May mga changes na nangyayari sa buhay natin that better us as a person. The choice is ours. We can let change make us or break us.

Kaya nga we have to put our trust and confidence on someone who will never change in an ever changing world. Who will never leave us nor forsake us. A person who is the same, yesterday and tomorrow. Yan ay walang iba kung hindi si God. God is consistent and never changing.

Hindi Siya nagbabago kaya naman pwede tayong sumandal at umaasa sa Kanyang mga pangako. The good news is, in every season of our lives, He is with us. We can rest in His promise that He will never leave us nor forsake, regardless of what season we are going through. Hold on, God is with you.

THINK. REFLECT. APPLY.

Anong mga changes sa buhay mo ngayon ang hindi mo matanggap?
Have you asked God to help you cope up?
How do you react and deal with change?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link