May plano ka bang mag-tayo ng sari-sari store someday?
Gusto mo bang maging supermarket ito in the future?
Aba OO naman!
Sino ba namang tatanggi sa promising at asensong negosyo?
Ang sari-sari stores ay isa sa mga pinaka-simpleng business model na laganap sa bansa.
Madaling patakbuhin kasi sa bahay lang ito o may maliit na pwesto lang, pwede na mag-umpisa!
Pero paano ba tayo mas mapapansin para mas mabilis ang pag-asenso and expand this into a supermarket na pinapangarap natin?
BE CREATIVE
(Photo from this Link)
Kadalasan sa mga tindahana, halo-halo ang mga produkto.
Tapos, magkakatabi pa ang food sa non-food.
Tuloy, naguguluhan din ang mamimili kung saan titingin.
Kailangan pa dumungaw ng malapitan para lang makita ang hinahanap.
Dapat pagtapak palang nila sa pwesto natin, malinis, maayos, at maaliwalas na.
Subukan nating pagsamahin ang mga produktong related sa isa’t isa.
Halimbawa:
Panlaba – powder, liquid and fabric conditioner.
Breakfast items – itlog, de lata and cereals.
Pampaligo- shampoo, conditioner, and bath soap.
KUMPLETUHIN ANG INVENTORY
(Photo from this Link)
May sabon ba kayo? WALA.
May de lata ba kayo? WALA.
May palaman ba kayo? WALA.
Naku huwag nating hayaang umabot sa ganito.
At baka ang madinig nating susunod ay: “Kailan ho kayo magsasara?”
We need to make our customers feel na meron tayo ng lahat nang hinahanap nila. Karapatan ng ating mamimili na matanggap at makita ang mga basic na kailangan nila kaya tayo nandito.
Sikaping sagana ang imbentaryo at stocks ng paninda.
Well-stocked talaga dapat from various brands para madaming options ang mamimili.
PROVIDE GOOD CUSTOMER SERVICE
(Photo from this Link)
Tratuhin natin ang customers na parang kaibigan lang.
Kaibiganin sila and try to anticipate their needs.
Kapag kabisado natin ang personality ng mga customers natin, mas matatantiya natin kung anong mga produkto at serbisyo ang kakailanganin niya.
The minute we can provide what they need in a timely manner – as in at the very moment na kailangan at hinahanap nila ito, therefore, babalik-balikan nila tayo.
“Babalikan ka dahil sa SERBISYO, hindi sa PRESYO.”
-Chinkee Tan, Motivational Corporate Trainer
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang pwede mo mai-apply sa iyong tindahan?
- Ano ang kailangan tutukan? Produkto? Serbisyo?
- Paano ka magiging kakaiba?
===================================================================
WHAT’S NEW ON YOUTUBE:
“How the ‘Paluwagan’ System Works”
Click now to watch my new video: http://bit.ly/2xYt2pl
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.