Single Blog

Gusto Mo Bang Maging Successful sa Business?

Huwag Mahiya Kung Makaranas ng Pagkabigo Mahiya Kung Walang Kang Ginagawa

Gusto mo bang mag-business pero natatakot ka na hindi ito maging successful?

O kaya naman ay nagsimula ka nang mag-venture into a business pero ito ay nag-fail?

Success is not an INSTANT thing, may proseso kang pagdadaanan.
Bahagi talaga ng isang business journey ay mga PAGKAKAMALI. Hindi naman ibig sabihin na may ilang failure along the way e hindi na talaga successful ang iyong business. It only means that there is room for improvement.

Para sa mga taong gustong maging successful sa pagnenegosyo, I want you to take note of the following:

BE KNOWLEDGEABLE ABOUT WHAT YOU ARE DOING
Like I always say, never invest in something that you DO NOT UNDERSTAND about, no matter how profitable it may be.

Let’s say, gusto mong magtayo ng coffee shop kasi alam mong madaming mahilig uminom ng kape. At may savings naman ka naman para mag-start ng business. Pero diba, hindi yun ENOUGH para maging successful.

Kailangan mo munang ALAMIN kung ano ang tama at magandang mga kagamitan para sa isang coffee shop.

You need to RESEARCH about the good business process and effective marketing strategies.

Bilang OWNER, kailangan alam mo ang umpisa hanggang kadulu-duluhan.

And every business owner should know THEIR BUSINESS para mapatakbo ito ng maayos.

BE PASSIONATE ABOUT WHAT YOU DO
When you do business with passion, you will have a POSITIVE INFLUENCE sa lahat ng makakasama mo sa negosyo, hanggang sa mga customers mo.

That’s why it’s important that you put HEART in creating the product or service na io-offer mo.

Kapag kasi mahal natin ang ginagawa natin, we will be able to PROVIDE GREAT SERVICE at yun ang kadalasang babalik-balikan ng mga customers.

At mapagod man tayo sa negosyo, hindi tayo magsasawa to PERSEVERE dahil gustong gusto natin ang ginagawa natin.

And another important key ay ang maging CONSISTENT sa pag-provide natin ng service natin to our valued customers.

BE READY TO MAKE A DIFFERENCE IN WHAT YOU ARE DOING
Kung may kaparehas na sa mga existing businesses ang gusto mong i-build, dapat may TWIST ang io-offer mo.

You have to BE CREATIVE AND INNOVATIVE para hindi ka maging carbon copy ng ibang mga businesses.

You should THINK OUT OF THE BOX para sa mga fresh na mga ideas or approaches in offering your products or services.

Dapat willing and ready ka to BE FLEXIBLE para kung same man ang product or service ang io-offer mo, may present pa din na UNIQUENESS na hahanap-hanapin ng customers sa produkto o serbisyo mo.

THINK. REFLECT. APPLY.

What business are you planning to start?
Napag-aralan mo na ba ng mabuti ang tungkol sa ganitong negosyo?
Are you passionate about it enough to keep you motivated in doing the business?

Comments (0)