Single Blog

SINUNGALING! SINUNGALING! SINUNGALING!

May mga kakilala ba kayong mga taong wala ng ginawa kung hindi magsinugaling!

Mahirap siyang pagkatiwalaan dahil wala siyang tinutupad, lahat ng kanyang pangako ay napapako.

Madalas ka na lang binobola at dinadaan sa awa.
Ang problema kung ikaw naman ang naawa, sa huli ikaw naman ang kawawa.

Mahirap sila makasama sa trabaho dahil hindi maasahan.
Mas mahirap kung kasama mo sa bahay dahil araw-araw mo itong kasama.

Nakakapagod silang kasama dahil kahit anong pangako na sila ay magbabago ay hindi pa rin sila nagbabago.

Nang dahil sa kanilang walang isang salita. Lubos ka na naapektuhan na imbis makatulungan sila, nagpapabigat pa sila ng iyong buhay.

I know na nakakastress ang ganoong set up.
Parang feeling mo na wala ka ng maasahan at nawawalan ka ng pag-asa.

At the end of the day, you and I have a choice.

Una, huwag ka ng umasa sa mga taong hindi maasahan.

Ang ibig ba sabihin na huwag na sila bigyan ng pag-asa?
Yes, you can still give them a chance but they need to earn it.

Pangalawa, asahan lang natin ang pwedeng asahan.

At isa lang ang pwede natin maasahan.

Yan ay walang iba kung hindi ang Panginoon.

Only God will never leave us nor forsake us.
Only God can make a promise that He will keep.

Some say that God can do everything.
I beg to disagree, there is one thing that God can???t do.

GOD CANNOT LIE!

THINK. REFLECT. APPLY.

May mga taong nangangako sa iyo at parating napapako?

Panahon na ilipat ang ating tiwala at pananampalataya sa DIYOS na hindi pwedeng magsinungaling.

Dahil tanging si Hesus lang ang NAGPAPAKO para matupad ang PANGAKO.

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link