Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

PETMALU SA PAGSISINUNGALING

November 16, 2017 By Chinkee Tan

pagsisinungaling

Nabuko na, sinungaling pa more!

Halatang halata naman, pilit pang pinagtatakpan ang sarili.

Huli na sa akto, patay malisya pa din.

 

PAANO BA MALALAMAN KUNG ANG TAO

AY ISANG PETMALU SA PAGSISINUNGALING?

 

Gumimik kasama ang mga kaibigan

nung tinatanong ng magulang kung bakit inumaga na ng uwi,

ang sagot: “Nag group study kami”.

 

Kailangan daw ng pambayad sa tubig at kuryente

Pagkatapos padalhan at nu’ng hinihingan na ng resibo:

“Ay, nawala eh.

‘Di ko alam kung saan ko nailagay”.

Yu’n pala, bumili lang ng cellphone.

 

Napagalitan ng boss dahil late pumasok,

pero dahil petmalu, dinaan sa drama at sinabing:

“Sobrang sama po talaga ng pakiramdam ko kanina.”

Yu’n pala, tinatamad lang pumasok.

 

Sinisingil na, panay text at tawag sa kanila ng mahigit 10x a day,

kapag tinakot mo na dun lang sasagot at idadahilang:

“Wala akong nare-receive.”

 

It’s really hard to deal with people

who are accustomed to lying.

 

Hindi mo na tuloy alam kung kailan sila nagsasabi ng totoo o

worth it pa bang ibigay natin ang tiwala natin sa kanila dahil

paulit-ulit na lang.

 

Feeling natin, pinapaglaruan na lang nila tayo.

 

Tayo man ang naiisahan at some point,

pero mas mahirap ang kanilang kalagayan.

Sa huli, sila ang kawawa, bakit?

 

Table of Contents

Toggle
  • MAHIRAP MAG-IMBENTO
  • HINDI KA MALAYA
  • NAKAKAHIYA
  • THINK. REFLECT. APPLY.
    • NEW VIDEO ON YOUTUBE
    • DIARY OF A PULUBI
    • MONEYKIT PACKAGE

MAHIRAP MAG-IMBENTO

pagsisinungaling

(Photo from this Link)

Kapag magsisinungaling tayo,

siyempre kailangan gumawa ng istorya.

At para makagawa ng istorya, dapat mula umpisa

hanggang huli ay tugma lahat para hindi mabuko.

 

Ang hirap nun ah!

Biruin mo, kailangan nating maging

‘scriptwriter’ bigla para lang maisalba ang sarili..

 

Nandiyan yung:

  • Cast members
  • Location
  • Oras ng pangyayari

 

..para kahit saang anggulo tayo tanungin, ay masasagot natin.

 

Di pa dito nagtatapos ah, iisipin pa kung

paano ito ide-deliver ng maayos in such a way

na magmumukhang kapani-paniwala at

hindi halatang kinakabahan o pinagpapawisan.

 

HINDI KA MALAYA

pagsisinungaling

(Photo from this Link)

Alam niyo yung kasabihan na “The truth will set you free.”?  

In this case, hindi magiging malaya ang isang taong sinungaling

simply because hindi naman siya nagsasabi ng totoo.

 

Araw-araw na lang tayo kinakabahan na:

“Baka mahuli ako”

“Nako, baka tanungin niya si ______”

“Paano kung mag-imbistiga?”

 

Habang di tayo nahuhuli, kakabog-kabog ang dibdib

at lagi tayong paranoid.

 

Unfortunately, hindi lang tayo ang nakakulong

kundi yung mga taong niloloko natin.

 

Kinukulong natin sila sa isang kasinungalingan

when in fact, they need to know the truth

no matter how hurtful it is.

 

NAKAKAHIYA

pagsisinungaling

(Photo from this Link)

Success ba dahil naniniwala sila sa atin?

Sulitin na natin ang saya because it won’t last long.

 

Temporary lang iyan kapatid.

Sooner or later, lalabas at lalabas din ang katotohanan.

Nakakahiya kasi yung effort nating itago ito

ng ilang araw, linggo, o taon,

ay mabubuko na.

 

Or worst, ALAM NA PALA NILA.

Hindi lang nila sinasabi sa atin.

Patuloy natin silang pinapaikot-ikot, yun pala,

tayo na ang taya sa larong ginagawa natin sa kanila.

 

“Kung may nagawa, sabihin na kaagad. Huwag maging PETMALU sa kasinungalingan.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Bakit ka nagsisinungaling?
  • Sino yung mga taong naloko mo?
  • Paano mo haharapin ang katotohanan?

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“CREATIVE WAYS TO MAKE BUDGETING EASIER ”

Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2iWoN7v

=====================================================

DIARY OF A PULUBI

Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”

➡➡ ➡ http://bit.ly/2z359lr

PER PIECE:

P150+100 shipping and handling fee

http://bit.ly/2mt9V5x

BULK ORDER PROMO

50% OFF; FREE SHIPPING 

➡➡ ➡ http://bit.ly/2xZMhSi

=====================================================

MONEYKIT PACKAGE

1 Moneykit + 8 Books

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z

 

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Uncategorized

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.