Rebond, highlight, keratin treatment, at marami pang iba!
Lagi ka bang nasa salon?
Makakita lang ng uso sa magazine, kahit walang pera, ipapagaya?
Gusto mo ba lagi kang ‘IN’?
Eh, bakit nga ba nagpapa-beauty ang karamihan?
“Paraan ko ‘to para makapag-relax.”
“Eh, para hindi boring ang itsura ko.”
“Magpapahuli ba naman ako?”
Masarap sa pakiramdam na paglabas natin ng beauty parlor, we feel “confidently beautiful with a heart”. ‘Yan ang sabi ng ating Miss Universe, Pia Wurtzbach.
Masayang magpa-beauty, as long as nasa budget at hindi mo mao-overlook ang mas mahahalagang bagay na dapat bayaran o paglaanan ng pera.
Pero kung labis-labis na ang paggastos natin, to the point na nagiging dahilan na ito ng pagkaubos ng budget o savings natin, sa palagay ko ay hindi na ito tama.
Fresh ka nga paglabas, haggard at stressed naman ang iyong finances.
Bakit nga ba may mga taong kahit gipit na, gumagawa pa rin ng paraan para magpa-beauty?
LAHAT DAPAT MASUBUKAN
Kulot, straight, mahaba, maikli, may kulay, natural, manicure, pedicure, spa, palagay ng kilay, pilik-mata – lahat, susubukan!
The point is, hindi mo kailangan subukan lahat ng mga bago para malaman kung ito ay babagay sa iyo. Pwede naman tayong magtanong nang hindi gumagastos. Kailangan natin maging praktikal. Kung gagastos ka, hinay-hinay lang at huwag all-out.
COMPETITION
May mga taong gagastos at gagastos para lang matalbugan ang iba. ‘Yun bang “may masabi” lang na pwede nilang ipagmalaki o ipagmayabang sa iba.
Okay lang sana kung “can afford” tayo sa mga ganitong bagay. Pero kung gagastos lang o mangungutang para lang makipag-contest sa iba – ‘yun bang pagandahan, baguhan ng style, o kung sinong pinakauso sa inyo – mauubos at mauubos ang pera natin. Worst, pati savings natin, magagalaw.
MAHILIG MANGGAYA
Because we are a celebrity-driven culture, we are highly-exposed to the media and trendy magazines that dictate the standard of beauty. Kaya ang iba sa atin, iniisip na ‘yun ay normal na. at kaya tuloy, ginagawa natin ang lahat para maging kagaya ng iba.
- Bagong gupit lang ang celebrity peg mo, gaya.
- Nagpakulay lang ng buhok si idol, gaya.
- May in-endorso lang na bagong produkto, gaya.
Hindi masama sumunod sa trend, iniidolo natin ang mga ‘yun eh. Pero kung wala naman tayong pera to keep up with them, stop. Hindi naman dito nasusukat ang pagiging isang “fan”. Pwede naman natin silang gayahin sa ibang paraan, nang hindi nadidisgrasya ang bulsa.
PEER PRESSURE
“Okay lang ‘yan. Pera mo naman ‘yan, gastusin mo na!”
“Eh, anong gagawin mo diyan sa picture? Tititigan mo lang? Ipagaya mo na!”
Siyempre tayo, the more na may nambubuyo, lalong rumurupok – maging ang buhok, especially kapag hindi matibay ang panlaban natin sa mga sabi-sabi o temptation.
Not knowing kapag nagpapaapekto tayo at nakikinig sa sasabihin ng iba, ‘yun ang magiging rason ng pagkalubog sa utang at pagkaubos ng perang pinaghirapan natin.
Bago ka bumigay, ang tanong: May pera ka ba para sa mga ganito o wala? Kung wala, huwag mo nang ituloy or better yet, look for an alternative without the need to spend too much.
Let me wrap things up.
Most people think na gaganda at gagwapo sila kapag galing sa salon – without thinking na beauty does not only come from the outside, but also from within.
Maaring importante ang panlabas na anyo, pero mas importante ang ganda ng kalooban. Aanhin mo ang…
- …maganda nga ang buhok, naninira naman ng kapwa?
- …bagong manicure at pedicure nga, minamaliit naman ang ibang tao?
- …kamukha nga ang iniidolong artista, bastos naman ang pag-uugali?
We need to work and focus more on ourselves – particularly, our attitude – and aim to build great relationships with others dahil una sa lahat, we’re already innately beautiful.
THINK. REFLECT. APPLY.
Bakit ka nagpapa-salon o nagpapa-beauty?
Is this an extra money o nagigipit ka na dahil dito?
Have you looked for an alternative that can help you look and feel good na hindi mabubutas ang bulsa mo?
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? Find some more related posts here:
- Impulse Buying Now, Pulubi Later
- Asiong Aksaya Now, Pulubi Later
- Debut Party Now, Pulubi Later
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.