Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Asiong Aksaya Now, Pulubi Later

August 24, 2016 By chinkeetan

May kilala ba kayong mahilig mag-shopping, pero hindi naman nagagamitang pinamili?
Habit buksan ang electric fan o aircon kahit walang gumagamit?
Order lang ng order ng pagkain, pero hindi naman nauubos?

Kung ‘OO’ ang sagot mo, siya o sila ay matatawag nating “ASIONG AKSAYA”.

“Teka. Sino ba ‘yun, Chinkee?”

Siya ang bida sa nausong komiks noong ‘bata-bata’ pa kami na mahilig magtapon ng pera sa iba???t-ibang paraan. He is the perfect example for this series at tiyak maraming makaka-relate sa kanya.

Alam niyo ba na sa bawat bagay na sinasayang natin, katumbas nito ay perang nawawala sa atin? Kaya kadalasan, ang consequence:

  • Uutang sa ka-opisina, kaibigan, o kamag-anak.
  • Made-delay ang pagbayad sa mga pangangailangan.
  • Makikipagpatintero sa nagpuputol ng kuryente.

Bakit nga ba ang hilig-hilig ng ibang tao mag-aksaya?

HINDI SILA ANG NAGBABAYAD

For some, hindi nila pinapansin ang mga nasasayang dahil hindi naman sila ang nagbabayad. Pwedeng magulang, kapatid, kumpanya, o kung sino man – kaya para sa atin, wala silang pakialam.

“Okay lang ‘yan, sagot naman nila eh.”
“Sus, ang liit lang niyan. ‘Di naman mahahalata sa bill ‘yan.”
“Babayaran din ng kumpanya ‘yan, mayaman naman sila.”

Kung baga eh, walang namang mawawala sa kanila.
Oo, maaring wala silang inilabas na pera. Pero, paano naman ang mga nagpapakahirap magbayad nito? Kailangan may malasakit tayop sa iba and at least help them sa pamamagitan ng pagtitipid. ‘Di ba?!

NAGYAYABANG

May iba naman na mahilig at walang pakialam kung may nasasayang para ipakita lang na ‘money is not an issue’ for them. Sky’s the limit, ‘ika nga.

Ipapagmayabang na can afford:

  • Maligo ng 5 times a day.
  • Makabili ng kahit anong gusto nila anytime.
  • I-enjoy lahat ng appliances nang sabay-sabay.

Kahit ang totoo, wala naman talagang pera to sustain these things. Sinasabi lang nila ang mga ito just to show-off at hindi magmukhang kawawa sa mata ng iba.
Ang hindi maganda pa dito, since we’re pressured with what others are expecting from us, gagawa at gagawa tayo ng paraan to keep up.
Ang ending? Mangungutang at manghihiram ng pambili o pambayad.

OUT OF CONVENIENCE

Habang nagto-toothbrush o naghilamos, bukas ang gripo dahil TINATAMAD magbukas-sara.
Malapiyesta sa loob ng bahay kung maghain ng ulam, apat hanggang lima, na hindi naman nauubos.
Parang Raon na sa ingay dahil bukas ang TV, radyo, DVD, at computer nang sabay-sabay dahil GUSTO ng nakakanuod na, nakakapakinig pa ng music.

You see, it’s all about convenience, na ‘di baleng mag-aksaya o gumastos basta it would satisfy them and make them feel comfortable.
I tell you, that feeling is just temporary dahil ang tunay na sukatan ng ‘convenience’ at pagiging komportable sa buhay ay ‘yung hindi nagigipit, hindi nangungutang, at may laman palagi ang wallet.
And the secret to this? Learning how to save in everything that we use. Don’t give in to…

IGNORANCE

“Mahina lang naman ang konsumo ng aircon.”
“Parang barya lang yan eh, ‘di malaki ang epekto.”
“TV at radyo lang naman ang naka-bukas, wala ‘yan.”

‘Yun ang akala natin, kaya wagas tayo kung mag-aksaya. Ang hindi natin alam, ang bawat:

  • Kilowatt hour ng kuryente…
  • Cubic meter ng tubig…
  • Butil ng kanin o natirang pagkain…

..ay katumbas ng piso o higit pa.
Kung 24/7 nakabukas at nakasaksak ang mga appliances, 24/7 din tayo gumagastos at ang pera natin- parang tubig sa gripo na hindi sinasara, AGOS NG AGOS.

THINK. REFLECT. APPLY.

Mahilig ka bang mag-aksaya?
Anong mga bagay ang sinasayang mo?
Anong mga pagbabago ang gagawin mo para makatipid at hindi mamulubi?

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Find other related posts here:

  • SOBRANG MATULUNGIN NOW, PULUBI LATER
  • Walang Bank Account Now, Pulubi Later
  • Utang Now, Pulubi Later


Submit a Comment



Filed Under: Finance Tagged With: bakit, Bakit ba, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Motivational Corporate Speaker, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines, Saving Money

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.