Single Blog

How Can We Overcome Failure

Have you ever failed in an exam?
Nag-fail ka rin ba sa negosyo?
Nag-fail ka na rin ba sa relationship?

Ang failure ay bahagi ng buhay nating lahat.
The mere fact that we are trying hindi natin maiiwasan ang mag-fail.

Marami na tayong kabiguan sa buhay at marami pa tayong kaharapin na in the future.

“Chinkee, pwede ba itong maiwasan?”
“Yes, kapag tayo ay wala na sa mundong ibabaw.”

We cannot always stop failure from happening, but we can overcome it by learning how to cope with it.

ACCEPT ITS EXISTENCE
You can move forward kung alam mo that failure is not the destination but only a PART OF THE JOURNEY.

When you fail, hindi yun ang katapusan ng mundo. The truth is that in every failure ay may OPPORTUNITY ka pa nga na matuto at mag-improve.

Kailangan mo lang din to maintain a POSITIVE OUTLOOK sa buhay para kapag dumating yung failure, you can easily overcome it.

IDENTIFY THE CAUSE
It is an opportunity to learn, so TAKE ADVANTAGE of the situation na pag-aralan kung bakit ka nga ba nag-fail and how you can do better next time.

Let’s say hiniwalayan ka ng girlfriend mo. Kausapin mo siya ng masinsinan and LISTEN INTENTLY kung bakit yun ang naging decision niya to find out kung meron ka bang participation o pagkukulang kung bakit nangyari yun, rather than just asking BAKIT?

ASK FOR HELP
Kahit gaano ka pa kagaling at ka-strong, you still NEED OTHER PEOPLE kaya huwag mong solohin ang pinagdadaanan mo.

Kapag kasi sinarili mo, dahil feeling mo kaya mo naman, hindi mo namamalayan na NALULUNOD ka na pala sa iyong nararanasan.

Kailangan mo din talaga ng ibang tao lalo kung nahihirapan kang maging objective sa sitwasyon mo dahil sila ang tutulong sa’yo for you to REALIZE kung ano ang tamang move.

NEVER LOSE HOPE
I’ve read somewhere about this saying: “Man can live about forty days without food, about three days without water, about eight minutes without air, but only for ONE SECOND without hope.”

Kung mawawalan ka talaga ng pag-asa, you’ll be STUCK kung nasaan ka. Hindi ka na makaka-move on sa failure mo.

Sabi nga ni John Maxwell, “When there is hope in the future, there is power in the present; but when there is no hope in the future, there is no power in the present.”

Kaya anumang failure ang mangyari sa’yo, wag na wag kang mawalan ng pag-asa. Because HOPE is strong enough to pull you to overcome a failure.

THINK. REFLECT. APPLY.

Anong failure ang nangyari sa???yo recently?
How do you handle your situation?
Do you believe na ma-o-overcome mo ito?

Kahit Anong Mangyari Huwag Kang Aayaw

Comments (0)

GET YOUR VIDEO NOW!

Enter your email address below and we'll send you your video through your email.
GET ME THE VIDEO!
We promise we will never spam you. We hate spam
close-link

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link