Usapang NETWORKING tayo, mga Kapatid.
Typical na tanong ang…
“Okay ba ito?”
“Safe ba sumali?”
“Hindi ba ako mapapahamak?”
“Legit ba ito?”
You know what, I myself joined networking before. This is a good business actually since there are a lot of good companies out there. However, I can’t specify or endorse any, if that’s the next question.
But I will share to you some guidelines na dapat nating alamin before joining and I hope this will be taken seriously para hindi tayo mapahamak.
RESEARCH AND LEARN
(Photo from this Link)
Huwag nating hayaang mahikayat tayo o masilaw sa pwedeng kitain.
Keep an open eye muna sa background ng kumpanya.
As I said, madaming magagandang kumpanya PERO madami ding pwedeng manloko kaya ‘wag magpapadala.
Kung hindi sigurado, kung madami pang katanungan, step back muna.
IMMEDIATE EXCHANGE OF PRODUCTS AND SERVICES
(Photo from this Link)
Kapag nagbigay tayo ng bayad, dapat automatic may makukuha na tayong PRODUKTO— hindi lang brochure, hindi lang papel, kundi PRODUKTO.
Hindi dapat tayo maghihintay ng ilang araw, linggo, o buwan para dito.
Hindi din dapat tayo paniniwalaing ‘out of stock pa’.
If this is the case, take it as a warning dahil walang assurance. Watch out for these signs kung sa simula pa lang ay parang may mali o bitin na kaagad.
ALWAYS THINK THAT YOU’RE THE LAST TO JOIN
(Photo from this Link)
Halimbawa:
Nagbigay tayo ng P5,000.
Binigyan lang tayo ng worth P2,000 na produkto
Sinabing: “Mababawi mo din yung kulang kapag NAKABENTA o nakapag-RECRUIT”…
Kung iisipin nating tayo ang huli:
Kikita ba tayo maski hindi mag-recruit?
May bibili pa din ba ng produkto maski tayo ang huling sumali?
Kung oo, GO!
If we’re stuck with these questions, pause muna.
“Networking is GOOD but learning about it first is BETTER”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Gusto mo ba sumali sa networking?
- Willing ka bang pag-aralan muna ito?
- Ano mga dapat mo i-consider para hindi mapahamak?
================================================================
WATCH THE YOUTUBE VERSION:
“Joining a Networking Company”
Watch it here –> http://bit.ly/2hi03cL
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.