Single Blog

Kaya Pa Ba ng Taong Magbago?

NAPAKAHIRAP-PILITIN-ANG-MGA-TAONG-AYAW-MAGBAGO-WEB

“Naku, wala ng pag-asa yan, batugan talaga yan!”
“Alam lang niyan ay mangutang, hindi yan marunong magbayad.”

“Ingat ka lang sa ugali nyan, hindi maganda ang ang pagkatao niyan.”

Sadyang may mga taong hindi nagbabago over the years.
Maganda sana kung dati ay masama ay ngayon ay mabait na; dating mayabang ay humble na; dating kuripot, ngayon ay generous na. Pero maganda lang isipin, pero hindi naman ito madaling mangyari.

There are some people who find it difficult to change or should I say, people who refuse to change. As much as we want to help them, you can only do so much, so at the end of the day, it???s their choice.

Before we decide to help these people change for the better, allow me to share reasons why people are having a hard time coping with change:

AFRAID OF CHANGE
May mga taong kaya ayaw lalong magbago dahil natatakot sila sa pagbabago. Bakit ayaw ba nila ng bagong malilipatan, trabaho, negosyo o opportunidad, at marami pang iba?

Of course, sino bang aayaw sa mga bagong bahay? Ang ayaw lang ng karamihan ay yung uncertainty na kaakibat ng PAGBABAGO.

Magugustuhan ko ba yung magiging bago kong kapitbahay? Magkakasundo ba kami?
Magugustuhan ko ba yung magiging bago kong trabaho?

Kakayanin ko ba yung responsibility?

IN THEIR COMFORT ZONES
Masyadong nasanay sa kanilang kalagayan kaya kahit hindi kumakain sa tamang oras, hindi maganda ang katayuan sa buhay, dahil sa nakasanayan na ang ganoong klaseng pamumuhay, ito ay tinitiis at pinag-titiyagaan.

Nagkaroon na ng mentality, “Ok na kami dito, ganoon talaga ang buhay, tanggapin na lang natin na mahirap na itong magbago.”

DO NOT KNOW WHAT TO DO
They don’t know how to start or rebuild their lives. Hindi nila alam kung ano ang gagawin, kaya tuwing may uumpisahan, parating palpak o takot na takot magumpisa dahil nga kulang sa kaalaman.

Alam natin na maraming tao ang nangangailangan ng tulong at pagbabago. Hanggat hindi naayos itong tatlong problema, mahihirapan silang mag-move on at magbago.

HIndi natin pwedeng ipilit ang PAGBABAGO sa ibang tao.
May sari-sarili tayong timing and phasing.

Kapag pinilit mo ito, baka ikamatay pa nya ito.

The same is true with people.
Change is an internal thing; it must be based on CONVICTION.
It should start and come from them.
Kapag pinilit mo sila o pinuwersa, hindi maganda ang effect at hindi rin ito magtatagal. We can influence and help them but we cannot demand it or force them.

THINK. REFLECT. APPLY

Do you know someone who resists change?
What practical steps did you take to help him/her?
Do you believe that people can change?

Comments (0)