Single Blog

Huwag Mag-paapi

Matutong manindigan Hindi ka nilikha ng Diyos para api apihin lang

Na-maltrato ka na ba?
Ginawan ka ng mga istorya na hindi totoo?
Nayurakan na ba ang iyong pagkatao?

Akala siguro natin sa mga palabas lang meron noon. Pero sa tunay na buhay, may mga taong nagsa-suffer din sa pang-aapi at pang-aabuso ng ibang tao.

Abuse happens when one person tries to control or hurt another.
It can take on different forms – from physical, emotional, verbal, to sexual.
So, how do we protect ourselves from being abused?

LEARN HOW TO SAY NO

Minsan, may mga taong naaapi dahil pinapayagan nilang mangyari ito.
When people are abusing you, make a stand, stop them, and say no. Yes, you can’t control the way other people treat you, but you can control how you respond to them.

You don’t need to fight them. I’m not saying na makipagsabunutan or makipagsuntukan ka sa mga taong umaabuso sa’yo.

What I’m trying to say is, deal with them in a peaceful manner. Confront them and let them know that you dislike what they are doing to you.

FIND A SUPPORT GROUP

Sometimes, may mga taong winawakasan nalang ang kanilang mga buhay dahil hindi nila kaya ang pain and pressure nang pang-aapi at pang-aabuso sa kanila. You need people who can boost your confidence, uplift your spirit, encourage you, and comfort you whenever you are down. These people can also help you deal with those offending you.

SEEK PROFESSIONAL HELP

More so, if you are physically and sexually-abused…
It can be a doctor, a counselor, a psychiatrist, or a person of authority. Lalo na kung may banta sa iyong buhay, hindi dapat ito binabalewala.

Napakalaki ng damage na maaaring idulot ng pang-aapi at pang-aabuso. It can affect your self-esteem, your relationships, and your whole being. We are created in God’s image. Walang sinuman ang may karapatang abusuhin, apihin, at saktan ka.

Huwag kang mag-paapi.

THINK. REFLECT. APPLY.

Naranasan mo na bang maabuso at maapi?
Anong ginawa mo to stop it?
Do you trust God to fight for you?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link