Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Huwag Kang Magpapigil Sa Takot

April 2, 2016 By chinkeetan

Takot sumubok…
Takot umulit…
Takot matalo…
Takot ma-reject…
Takot magkamali…
Takot mag-explore…
Takot mag-step out…
Takot lumabas sa comfort zone…
Takot mapagod…
Takot masaktan…
Takot mapahiya…
Takot malugi…

Yan at kung ano-ano pang klase ng takot.
Kung hindi ako hihinto sa paglista baka abutin na tayo ng magdamag hindi pa rin ito matatapos. Bakit?
Kasi hindi nauubos ang takot.
Hangga’t buhay tayo ay meron tayong ganyang feeling na mararanasan.

Alam mo ba na kadalasan yung ating mga kinakatakutan sa ating buhay ay kathang isip lamang? Na tayo mismo ang gumawa ng sarili nating multo?
Ito ay walang katotohanan, walang basehan, walang kasiguruhan at hindi pa nangyayari.

Kaya naman kung lagi tayong magpapa-apekto sa mga takot natin ay…

Hindi natin mararating ang gusto nating marating.
Hindi natin maaabot ang mga gusto nating abutin.
Hindi tayo magtatagumpay.
Hindi tayo matututo.
Hindi tayo aasenso.
Hindi natin makakamit ang ating mga pangarap.
Hindi tayo magiging masaya.
Hindi tayo gagaling.
Hindi tayo matatahimik.

Kung takot kang sumemplang, hindi ka matututong mag-bisikleta.
Kung takot kang ma-busted, hindi ka magkaka-love life.
Kung takot kang mag-apply, hindi ka matatanggap.
Kung takot kang humingi ng tulong, hindi ka makakaraos.
Kung takot kang malugi, hindi ka kikita.
Kung takot kang masaktan, hindi ka matututong magmahal.

Walang mangyayari sa buhay natin kung hahayaan nating takot ang manguna. Maiksi lang ang buhay para gugulin at sayangin natin sa pagiging takot. Paano labanan ang takot?

Live life to the fullest.
Take risks. If you fail, learn from it, get up and try again.

THINK. REFLECT. APPLY.

Ano ba ang kinatatakutan mo sa buhay?
Ano ang magandang naidulot ito sa iyo?

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Did this article help? You can also check on these other related articles on:

  • HUWAG KANG MATAKOT
  • Paano Labanan Ang Takot Sa Nakaraan?
  • PRACTICAL WAYS TO STOP LIVING IN FEAR


Submit a Comment



Filed Under: Personal Development Tagged With: bakit, Corporate Speaker, Famous Speaker in the Philippines, Fear, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Motivational Corporate Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines, paano labanan ang takot

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.