Single Blog

Huwag Kang Magpapigil Sa Takot

Face your fears Have faith Believe

Takot sumubok…
Takot umulit…
Takot matalo…
Takot ma-reject…
Takot magkamali…
Takot mag-explore…
Takot mag-step out…
Takot lumabas sa comfort zone…
Takot mapagod…
Takot masaktan…
Takot mapahiya…
Takot malugi…

Yan at kung ano-ano pang klase ng takot.
Kung hindi ako hihinto sa paglista baka abutin na tayo ng magdamag hindi pa rin ito matatapos. Bakit?
Kasi hindi nauubos ang takot.
Hangga???t buhay tayo ay meron tayong ganyang feeling na mararanasan.

Alam mo ba na kadalasan yung ating mga kinakatakutan sa ating buhay ay kathang isip lamang? Na tayo mismo ang gumawa ng sarili nating multo?
Ito ay walang katotohanan, walang basehan, walang kasiguruhan at hindi pa nangyayari.

Kaya naman kung lagi tayong magpapa-apekto sa mga takot natin ay…

Hindi natin mararating ang gusto nating marating.
Hindi natin maaabot ang mga gusto nating abutin.
Hindi tayo magtatagumpay.
Hindi tayo matututo.
Hindi tayo aasenso.
Hindi natin makakamit ang ating mga pangarap.
Hindi tayo magiging masaya.
Hindi tayo gagaling.
Hindi tayo matatahimik.

Kung takot kang sumemplang, hindi ka matututong mag-bisikleta.
Kung takot kang ma-busted, hindi ka magkaka-love life.
Kung takot kang mag-apply, hindi ka matatanggap.
Kung takot kang humingi ng tulong, hindi ka makakaraos.
Kung takot kang malugi, hindi ka kikita.
Kung takot kang masaktan, hindi ka matututong magmahal.

Walang mangyayari sa buhay natin kung hahayaan nating takot ang manguna. Maiksi lang ang buhay para gugulin at sayangin natin sa pagiging takot. Live life to the fullest.
Take risks. If you fail, learn from it, get up and try again.

THINK. REFLECT. APPLY.

Ano ba ang kinatatakutan mo sa buhay?
Ano ang magandang naidulot ito sa iyo?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link