“Chinkee, pwede ba magbusiness maski estudyante?”
Oo naman! Ang pagbi-business naman ay para sa lahat. Alam niyo bang when I was 12 years old, that’s exactly what I did.
Dahil kapos at salat, kailangang kumayod to provide for my expenses. Nagtinda ako ng toilet paper, shirts, pants, shoes, at nagparenta din ako ng betamax at VHS! (nahahalata tuloy ang edad! Haha)
But you see, kung talagang gusto, walang imposible. Walang limitasyon.
Madaming magandang negosyo na pwede sa atin.
So here, let me give you some tips:
BE OBSERVANT
(Photo from this Link)
Tignan kung anong yung usual na hinahanap ng iba pang mga estudyante.
Example:
Ngayon we live in a world of technology, lahat naka cellphone, lahat gusto nakatutuok sa fb, at gusto updated ang IG, so…Sell a load!
Ano pa? Ang mga kaklase natin laging naghahanap ng pagkain yan kaso malayo ang canteen o nakakaumay dahil paulit-ulit — tinda ka ngayon ng ‘readily available food’ tulad ng meryendahin, kutkutin, o maski candy.
OFFER YOUR SERVICES
(Photo from this Link)
Magaling sa math?
Post an ad sa campus bulletin board or FB pages and try tutoring.
Marunong sumayaw?
Mag-choreograph ng events.
This is a good business kasi walang pera na puhunan.
Ang kailangan lang ay yung ating kaalaman at kakayahang balansehin ang oras because remember, we’re also students.
KNOW YOUR PASSION
(Photo from this Link)
…and monetize it.
Ang talento natin ay pwede natin pagkakitaan, hindi lang sa mga kaklase natin, kundi sa iba ‘ding naghahanap ng talentong meron tayo.
Kung photography ang hilig, pwede tayo sa mga outside events.
Pwede din maging writer ng blogs or articles online.
Kung masarap magluto, cater maski once a week.
With this, kumikita na, naeenjoy pa natin ang ginagawa kaya it won’t feel like work.
“Don’t wait ’til you graduate. Start NOW!”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong business ang naiisip mo?
- Papaano mo ito ima-market?
- Ready ka na ba maging estudyante negosyante?
===============================================================
WHAT’S ON YOUTUBE:
“Good Debt or Bad Debt”
Click here –> http://bit.ly/2h9gMPA now!
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.