Single Blog

How To Raise And Pay For Your Tuition Fee

EDUCATION IS IMPORTANT IT IS WORTH EVERY EFFORT YOU DO TO ACHIEVE IT

Pasukan na naman!
Bayaran na naman ng tuition fee.
Mamimili na naman ng mga notebooks, pens, sapatos, damit, at iba pang mga gamit.
But wait, there’s more. Paano naman ‘yung allowance na kailangan mo araw-araw?

Hay! Grabe, ang daming babayaran maliban sa tuition fee!

Hanggang ngayon, nag-iisip pa rin kayo ng paraan kung paano bubunuin ang total amount na kailangan niyo for this semester or school year.

Sakit sa ulo, ‘ika nga.

Pero bilang isang estudyante, naisip mo bang tumulong sa iyong mga magulang?

Maaring iniisip natin na responsibilidad ito ng iyong mga magulang lang, pero masama bang tumulong para guminhawa kahit papaano ang buhay ng ating pamilya?

Kung naghahanap ka ng paraan, this blog is for you.

Ano ba ‘yung mga paraan para makabayad ng tuition fee?

APPLY AS A WORKING STUDENT

Most schools accept students to work for them in exchange for a discounted tuition fee or scholarship. Minsan, 10% up to 50% discount pa ang binibigay nila na talagang malaking kabawasan sa bayarin.

Usually, they are in need of library assistants, secretaries, or administrative staff. The key to juggling work and study is time management. Besides, wala namang mahirap sa taong gusto makatapos at makatulong sa pamilya.

APPLY FOR A SCHOLARSHIP GRANT

This is quite similar to financial aid. Ang pinagkaiba lang nito is that you are not working for the school, but you still get either 30%, 40%, 50%, up to 100% discount on your tuition fee.

Binibigay ito by the school, the government, or the local barangay to students who are part of the top 10 sa school na pinanggalingan nila or those who qualify in terms of their financial conditions and family???s financial status.

HAVE A PART-TIME JOB

Having a part-time job during your free time or when you are dismissed early from school wouldn???t hurt. Basta marunong kang mag-balanse ng oras mo para kumita, then this is a great idea.

You can apply at:

  • Fast food chains.
  • Retail shops, etc.

Some companies even allow students to work for them. Pwede kang magbigay ng sarili mong schedule or they might require you a certain number of hours per week, kaya you need to be organized to fit both school and work at the same time.

ASK FOR HELP (USE SOCIAL MEDIA)

Kung hindi na kaya, wala namang masama kung hihingi tayo ng tulong sa pamilya o kaibigan for the meantime. Be creative, I know of a student na nag-raise ng kanyang school fees online. Bilang ganti, she is documenting her progress online para ipakita sa mga tumulong sa kanya how she is doing at kung saan napupunta ang kanilang tulong.

THINK. REFLECT. APPLY.

Ikaw, may plano ka bang tumulong sa mga parents mo para maka-raise ng tuition fee mo?
What are your strategies to raise money for your tuition fee?
Are you willing to exert extra effort to reach the finish line?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link