Single Blog

Dream Killer

KILLER OF DREAMS IS FEAR

The number one dream killer is #FEAR.

Takot ang numero unong papatay sa mga pangarap natin sa buhay.
Kaya kung hahayaan nating patayin ng takot ang mga pangarap natin, tatanda tayong nanghihinayang at nagsisisi.

Maraming hindi man lang sumubok dahil sila???y TAKOT.

Takot na malugi
Takot na magkamali
Takot na magumpisa
Takot na sumubok
Takot na mapagsabihan
Takot na makipagsapalaran
Takot na mapagod
Takot na maloko
Takot na ma-reject
Takot na sumablay
At kung ano-ano pang takot!

Yan tuloy,

Hindi na umasenso
Hindi na guminhawa ang buhay
Hindi na nadiscover ang mga gifts and talents
Hindi na lumago
Hindi na natuto
Hindi na na-fulfill
Hindi na nag-enjoy
Hindi na nag-tagumpay
Hindi na yumaman
Hindi na naabot ang mga pangarap..

Totoong laging nasa huli ang pagsisisi kapatid. Huwag nating hayaang patayin ng takot ang mga pangarap sa puso natin. Tayo ang pumatay sa ating mga takot.

Kung hindi natin susubukan, paano natin malalaman?
Kung hindi natin uumpisahan, paano natin makukuha?
Kung hindi tayo magkakamali, paano tayo matututo?
Kung hindi tayo makikipagsapalaran, paano tayo magtatagumpay?
Kung matatakot tayo, paano natin makakamit ang ating mga pinapangarap?

Hindi pa huli ang lahat kapatid. Get out of your box, step out of your comfort zone, face your fears and make your dreams come to reality!

THINK. REFLECT. REPLY.

Takot ka ba?
Anong kinatatakutan mo?
Are you ready to face your fears?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link