Single Blog

How to Conquer My Doubts and Fears

“Paano kung masayang lang ang pera ko sa business na ‘to?”
“Paano kung hindi ko matapos ang gusto kong isulat na libro?”

“Paano kung hindi ako magustuhan ng pamilya ng nililigawan ko?”
“Paano kung hindi ako qualified sa company na a-apply-an ko?”
“Paano kung ma-reject ang idea ko?”

Paano, paano, paano? Puro negative & “what ifs” na lang ba ang laman ng isip mo?

Gustong gusto mong matupad ang mga pangarap mo pero kapag kailangan mo na umaksyon, natatameme ka na dahil ang mga “paano” ay humarang na sa iyong daraanan.

If you want to overcome your doubts and fears, follow the steps na isi-share ko.

First of all, you need to …

ASSESS YOURSELF
You have to evaluate kung ano ang ROOT CAUSE ng iyong mga doubt and fear.

Lagi ka bang nasasabihan nung bata ka pa ng, “Hindi mo kaya yan!” O kaya naman ay, “Wag yan, baka mapano ka!”

Those statements may have planted SEED ng doubt and fear sa puso at isipan mo. Kaya kung nataniman ka ng ganung klase na seed, at nadiligan pa araw-araw ng similar statements, siguradong you’ll bear fruits of fear and doubt.

So what you have to do is to …

REFRAME THE WAY YOU THINK
It will be helpful na kapag sisimulan mo ito that you STAY AWAY from people na mahilig diligan ang iyong puso???t isipan ng mga doubts and fears.

Plant a tree that will bear good fruit. Sabi nga “no bad tree bears good fruit” so you really need to plant a NEW tree, a GOOD tree.

It’s really hard to start all over again kaya kailangan mo ng tulong ng ibang tao. Kaya dapat, surround yourself with very POSITIVE PEOPLE so that positive seeds will be planted in you.

At kapag na-reframe mo na ang iyong way of thinking, it’s easier for you to …

TAKE ACTION
Having a good tree doesn’t mean na you’ll ALWAYS BE IN YOUR COMFORT ZONE para hindi ka mahirapan na umaksyon.

It just means na you bear FRUIT OF CONFIDENCE na gawin ang mga uncomfortable things for you to reach your dreams.

Ready ka na ngayon na IPAGPALIT ang short-term discomfort for long-term success.

Lastly, you need to …

COMMIT TO YOUR DREAMS
Taking action is just the BEGINNING. Marami pang mangyayari along the way where you will be TEMPTED to be give in to doubt and fear.

Kaya kailangan maging committed ka para umabot ka sa FINISH LINE.

Dapat ang MINDSET mo is to finish the race no matter what it takes.

Just always remember this quote: “What the mind can conceive and believe, the body can achieve.”

THINK. REFLECT. APPLY.

What are your doubts and fears?
Sa tingin mo, ano ang root cause ng mga ito?
In what way do you think you can overcome those doubts and fears?

Be Strong Be Courageous Always Chink Positive

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link