May mga kilala ba kayong taong masyadong materialistic? Yun bang ang hilig hilig sa mga bagong damit, gadgets,
at iba pa na tipong once na mahawakan na ang sweldo eh diretso na sa malls?
PAANO MO MALALAMAN KUNG IKAW AY MATERIALISTIC?
Materialistic ka kung ayaw mong magpahuli sa kung ano ang uso. Yun bang feeling mo na ikamamatay mo kapag hindi mo nabili yung inaasam mong mga gamit.
Kung wala kang pakialam kung masaid ang sahod mo…Ikaw yung tipo na gagawin mo ang lahat para magkaroon ka lang ng bagong gamit at kahit ikaw ay mabaon sa utang, ay ok lang sa iyo.
Ang isa sa dahilan of being materialistic ay because of the LACK OF CONTENTMENT.
Hindi ba makukuntento sa simpleng pamumuhay lamang o hirap na hirap maka-appreciate kung ano man ang meron sila.
Kung patuloy itong isasabuhay, malamang eh lagi tayo mabubuhay na kapos at lubog sa utang.
BAKIT NGA BA NAGIGING MATERIALISTIC ANG TAO? HOW TO STOP BEING MATERIALISTIC?
1. INGGIT
Number one reason kaya may mga taong materialistic ay dahil sa inggit at pakikipagkumpitensya sa kapwa.
“Mabuti pa sila!”
Kapansin-pansin ito kapag merong bagong bahay, sasakyan, o gadget ang kakilala nila tapos siya wala o yun bang simple lang.
Kaya para mapagtakpan, tutumbasan o hihigitan nila ito upang hindi niya maramdaman ang self-pity at masabing “hindi lang siya may karapatang magkaroon niyan”
2. SARADO ANG ISIP
Ang mga materialistic na tao ay yung sarado ang isip sa mga alternatives. Sila yung mas gusto bumili ng parating brand new kaysa bumili ng second hand. Kailangan bago ang mga damit. Kapag hindi na uso, bibili ng bago at itatabi nalang yung luma maski pwede naman nila i-alter sa design na gusto nila, which is less expensive sana than buying a new one.
3. DESIRE TO FIT IN
Aminin man natin o hindi, sa kagustuhan nating matanggap ng society o maski sa grupo na gusto natin, mga materyal na bagay ang nagiging batayan at labanan para masabing: “I BELONG” or “I’M ONE OF THEM”.
Ayaw kasi natin yung pakiramdam na out of place tayo.
Well, hindi naman materyal na bagay ang sukatan para tayo’y tanggapin— meron tayong talino, talento, diskarte, o magandang kalooban na pwede nating ipagmalaki at di hamak na mas maganda kaysa sa mga yan. Kailangan lang natin matutunang hanapin ang strengths natin at mahalin ang sarili natin sa kung ano tayo.
4. BRAINWASHED
Materialistic people are brainwashed by media.
Sila yung sobrang nagpapadala sa kung anong nakikita o napapanood, kaya lahat ng makakuha ng atensyon nila, dali dali nila itong bibilhin, thingking na: “Kung bagay sa kanya, bagay din sakin yan”
5. GLORIFIES MATERIAL THINGS
“Kung magkaroon lang ako ng magandang career, bahay, sasakyan, at kung yumaman lang ako, ako na ang pinakamasayang tao sa mundo.”
Sabihin ko sa iyo ang katotohanan, kung hindi ka masaya kung ano ang gamit mo ngayon, hindi ka magiging masaya sa makakamit mo bukas.
Yung kaligayahan ba sa buhay ay nakasalalay sa materyal na bagay — at nade-depress sila kapag hindi nila makamit ito.
Huwag natin kalimutan, above all things, maraming pang ibang dahilan kung bakit dapat tayo maging masaya sa ating buhay. Hindi lang gamit at pera ang nagpapaligaya sa tao.
THINK. REFLECT. APPLY.
Anong dahilan ng pagiging materialistic mo o ng kakilala mo?
Ano ang pwede mong gawin para maiwasan maging materialistic?
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article fit your interest? You can also check these other related articles:
- WHY Mark Zuckerberg WILL NEVER BE POOR?
- Takaw-Mata Now, Pulubi Later
- Greed Versus Contentment
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.