Single Blog

BAKIT KAHIT SUBSOB NA SA TRABAHO AY HINDI PA DIN YUMAYAMAN?

Ikaw ba ay overtime nang overtime, pero hindi pa din sapat ang sweldo?
O kaya naman ay madami kang sideline, pero hindi pa din makabayad-bayad sa utang?
Or puyat na puyat ka na kaka-manage at kaka-promote ng business mo pero parang kulang pa din ang kinikita?
Kung sumagot ka ng makabagbag-damdaming “OO!??? gusto kong ipaalala sayo na …

MAKING MONEY vs. MANAGING MONEY
Don’t just spend time in making money; ,you should also allot time in managing your money.

Kasi kung sobra sobra ka na sa trabaho pero hindi mo pa din nakakamit yung gusto mong amount ng pera, malamang napapabayaan mo na ang resources mo.

O baka naman may mali na sa diskarte ng paghawak mo ng pera? Maybe it’s time for you to learn about new ways in handling your finances properly. Take time para matuto ka. Don’t overwork and disregard the part where you can learn more. Sabi nga,“Never stop learning because life never stops teaching.”

“It’s not how much money you MAKE, but how much money you SAVE.”

Kahit ang laking perang pumapasok, pero kung malaking pera din ang lumalabas, ito lahat ay mababalewala.

Baka busy ka na masyado sa pagtatrabaho, kaya wala ka ng panahon para i-manage yung income mo. Balewala ang paghihirap mo kung walang proper handling ang iyong finances.

Always remember, “Lahat ng sobra ay masama.” Kaya dapat laging BALANSE.

WORK HARD vs. WORK SMART
Baka sobrang driven mo na sa pagtatrabaho, pero napapalayo ka naman sa end goal. Posibleng nag-e enjoy ka na masyado sa ginagawa mo to the point na nakakalimutan mo na yung desired result.

It doesn’t really matter how busy you are, but if you’re not achieving your desired result, your busyness means nothing.

If hindi mo ma-mi meet ang goal mo, mapupunta talaga sa wala yung paghihirap mo. Don’t lose your focus. Remember why you are working in the first place. You are working to earn money for your family. Kaya nga, I always say sa lahat na minementoran ko, “Never confuse yourself with activity versus accomplishment.”

SHORT-TERM HAPPINESS vs. LONG-TERM GOALS
Dahil sa sobrang stress sa dami ng work, napupunta na lang ang sweldo sa pang de-stress. Pagod na pagod na sa trabaho kaya wala ng energy para magbigay ng time para sa pamilya.

Reminder, we are not working only to earn money, but we are working so that we can spend more time with our family. Paano na kung mismo kung work pa ang nagiging sanhi ng NO QUALITY TIME with your family.

Ang naging day to day cycle na lang ay: Work, uwi, kain, tulog, gising then Work, uwi, kain, tulog, gising then paikot-ikot lang.

It is ok for you to work hard, but once you arrive home, make sure you give quality time to your spouse and your kids.

Let us not work only on the short-term goals just to meet the physical needs of the family. We must work only on the long-term goals and meet the emotional, mental, physical needs of the family.

THINK. REFLECT. APPLY.

Are you also working smart while working hard?
When you make money, are you managing your money properly?
Are you investing more time at work rather than your family?
Isip-isip!!!

to-become-rich-we-need-to-work-hard-and-work-smart

Comments (0)

GET YOUR VIDEO NOW!

Enter your email address below and we'll send you your video through your email.
GET ME THE VIDEO!
We promise we will never spam you. We hate spam
close-link

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link