Single Blog

BAKIT ANG PINOY KULANG SA DISPLINA SA PAGHAWAK NG PERA?

May mga kakilala ba kayong mga….
Kulang na nga ang sweldo pero tuloy pa rin ang luho?
Hindi na makabayad sa upa pero panay pa rin ang gimik?
Lubog na nga sa utang pero tuloy pa rin ang pangungutang?

Naging parte na ng kultura nating mga Pinoy ang pagiging kulang sa disiplina.
Saan ka man magpunta may mga nagpapakita ng ganitong kahinaan.
At sa palagay ko kaya kulang sa disiplina ang ilang mga Pinoy ay tila ini-idolo si …
JUAN TAMAD

Gusto laging mag-relax habang NAGHIHINTAY na lang palagi na mahulog ang mga biyaya.
Lubog na lubog na sa utang pero tamad pa din gumawa ng paraan para matuto na maka-ahon sa pagkakautang.
Masipag lang sa paghahanap ng mga DAHILAN para matakasan ang mga responsibilidad.
Ang iba naman kaya kulang sa disiplina ay dahil …
MASYADONG EMOTIONAL

Iniisip na i-comfort ang sarili after a very tiring work kasi DESERVE ang mag-chill. Deserve nga naman mag-relax pero syempre mas deserve kung ang pagkakagastusan ay makakatulong hanggang sa future at hindi magiging pabigat.

May mga katwiran din na “kailangan” bilhin ang isang bagay para mas mapadali ang buhay. Kadalasan kasi kapag lumaki ang nakukuhang income, nag-aadjust ang lifestyle at nagbabago na din ang set of guidelines ng pangangailangan. Kung noon ay nakakapag-enjoy pa sa isang putahe sa hapag kainan, ngayon ay lagi ng sa mamahaling buffet na restaurant ang dinner.

Meron naman na sadyang …
NAGPAPASIKAT LANG
Feeling Jack ng Titanic at ang thinking ay: “I’m the king of the world!” Damang dama na walang makakapigil sa kanya. Papatunayan pa sa pamamagitan ng pagpapakitang tao na kaya niyang bilhin ang pinakamahal na mga pagkain sa mundo. Hindi pa makukuntento at i-popost pa sa Facebook at Instagram ang bawat pictures ng mga ito.

Ipagmamalaki na kayang bumili ng napakagarang sasakyan kahit ang totoo ay hindi naman afford. Ipangungutang naman talaga ang pang-down payment maging ang pang-monthly amortization. Pero kahit ang pambayad sa utang ay hindi din naman siguradong mababayaran. Basta magmukhang COOL at SUCCESSFUL, ayos lang kahit walang sure na pambayad.

Higit sa lahat, kaya kulang sa disiplina ay dahil …
AYAW MAGBAGO
Hindi kayang aminin sa sarili na kailangan magbago kaya steady lang sa “normal” na gawain. Inaatake ng KATAMARAN kaya ayaw kumilos para mas mapabuti ang kinalalagyan.

Feeling importante kaya ang iniisip ay EXEMPTED siya sa pagbabago. At ang expected ay ang mga nasa paligid niya ang magbabago para sa kapakanan niya.

Sa sobrang FOCUSED sa sarili para magpasikat, hindi na napapansin ang mga mali na nagagawa. Dahil dito, hindi nakikita ang ilang areas na kailangan ma-improve.

Yan ang ilang dahilan kung bakit kulang sa disiplina ang mga Pilipino. Remember, “You can’t change the world, but you can change your world.” At magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagiging …
MASIPAG
Have a POSITIVE ATTITUDE and you will gain positive rewards in the future. Mas mahirap man ang maging masipag, hindi hamak naman na mas maganda ang maidudulot nito para maging successful ang iyong buhay.

PRACTICAL
Huwag magpadala sa emosyon every time you will decide on how you will spend your money. Dapat ALIGNED sa long-term goals mo ang bawat paggastos mo.

MAPAGKUMBABA
Tama na ang pagyayabang kung ikaw ay madaming pambili! Mas NAKAKABILIB ang isang taong MATALINO sa paggastos kaysa ipinakikitang kaya niyang gumastos.

HANDA SA PAGBABAGO
Huwag kang matakot sa pagbabago. Posibleng mahirap ang proseso ng pagbabago pero definitely may MAGANDANG RESULTA na naghihintay para sayo.

THINK. REFLECT. APPLY.

Kulang ka pa din ba sa disiplina?
Gusto mo bang maging disiplinado?
Kung oo, ano ang ginagawa mo para maging disiplinado?

Discipline-is-what-separates-DOERS-from-DREAMERS

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link