Single Blog

Bakit ang Hilig Nating Mag-alala?

Ikaw ba ay isang CERTIFIED WORRIER?
Expert na expert ka pag dating sa pag-alala.
Kahit ano na lang inaalala mo.

Naranasan mo na ba ito???

Noong wala kang trabaho, ito ang wino-worry mo???
“Ano ba yan, ang hirap makahanap ng work, paano na yung pamilya ko?”

Noong nakahanap ka na ng trabaho, ito naman ang wino-worry mo???
“Naku, paano na kung mawalan ako ng trabaho?”

Noong wala kang pera, ito ang wino-worry mo???
“Wala na akong pera, paano yung mga babayarin ko?”

Noong nagkaroon ka na ng pera, ito naman ang wino-worry mo???
“Naku, paano na kung maubos ang pera ko!?”

Hindi niyo ba nahalata, noong wala kang pera nag-aalala ka, noong nagka-pera ka, nag-aalala ka pa rin; noong wala kang trabaho nag-aalala ka, noong nagka-trabaho ka na, nag-aalala ka pa rin!

Ano ba yan! Ang pagiging isang worrier ay isang MASAMANG HABIT.

Kailangan natin ayusin ang ating habit na ito kung hindi, you and I is going to live a very STRESSFUL and UNPRODUCTIVE life.

Mauubos po ang oras natin sa pag-alala at walang humpay na stress.

Kung ikaw ay napapagod na sa kakaisip at kagagawa ng hindi magagandang scenario inyong isipan at sinasabi ninyo ay TAMA NA! SOBRA NA! MAGBABAGO NA!

Panoorin ninyo itong VLOG NA ITO, para kayo ay maliwanagan.

Comments (0)