Alam n’yo yung isang commercial ng ice cream na:
“Saan mapupunta ang P20 mo?”
Pagdating sa ating mga kalalakihan:
Sa lahat ng tatay, papa, daddy, o ama…
“Kanino napupunta ang sweldo mo?”
Sa inuman?
Walwalan?
Gadgets?
Collection ng sapatos?
Pag-abot kay misis kulang na?
Ikakaila pa kung bakit yu’n lang ang naibigay?
Galit pa ‘pag hinanapan?
“Eh birthday ni pare, alam mo naman..”
“Ito na nga lang pamparelax ko eh!”
“Bakit, pinagpaguran ko naman ‘yan ah.”
Hindi naman tayo pinagbabawalan na
magpakasaya at gumasta.
Maski naman ang ating
mga mahal na misis ay ginagawa din ito.
Pero bilang padre de pamilya,
may mga kailangan lang tayong tandaan
para naman hindi maapektuhan ang
ating pagsasama at relasyon.
MAGING HONEST KAY MISIS
(Photo from this Link)
Kung may gustong bilhin o
kailangang pagkagastusan na
wala sa budget,
ipaalam muna kay misis at
‘wag basta basta galawin.
Hindi maganda na tayo ay naglilihim.
Worry mo ba baka magalit?
Baka hindi pumayag?
Ito lang ah…
Mas magagalit sila at mas
paguugatan ng away kapag
naglihim tayo sa kanila o
‘pag binalik natin na kulang na.
Okay para fair…
“Paano kung mas magaling ako mag-budget?”
Usap lang ang kailangan.
Meet halfway, ika nga.
INTREGA MUNA BAGO GASTA
(Photo from this Link)
Bigay muna natin kapatid.
Buong buo at walang kulang.
Kung 10k ang nakuha, 10k din ang ibibigay.
At kung 15k naman, 15k din
dapat ang mahahawakan ni misis.
Kahit anong amount pa ang take home
iuwi ito ng buong-buo.
Kailangan muna kasi natin mai-budget
ng maayos ang kabuuan ng sweldo
para makita kung covered lahat ng
gastusin, kulang man, o may sosobra pa.
WALANG MAPAPALA SA WALWALAN
(Photo from this Link)
Inom inom?
Bisyo?
Sugal?
Nako mga ‘pre, wala po
tayong mapapala diyan.
Nagtatapon lang tayo ng pera at ang mahirap pa nito
kapag nasimulan na, dirediretso na ‘yan.
Una try lang
hanggang sa nagustuhan.
Sunod niyan, araw-araw na.
Gugustuhin ba nating mapunta ang
pinaghirapang pera sa wala?
Gusto ba nating mauwi sa gutom ang
pamilya dahil inuna natin ito?
Mas gusto ba nating huwag mag-aral ang
ating mga anak para makapag-bisyo?
I don’t think so.
Huwag naman gano’n.
Ang Ulirang Ama uunahin
ang pangangailangan ng pamilya
bago pa ang sa kanya.
“Ang Ulirang Ama ng Tahanan: Diretso na sa bahay at hindi na nakikipag-walwalan. Iaabot kay Misis ang sweldo ng buo at walang kulang.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay ulirang ama o may ulirang ama?
- Paano n’yo ito ipinapakita?
- Bakit mahalaga sa ‘yo na mauna ang pamilya?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“INVESTING IN UITF”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2ESkvrg
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.