Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

GUSTO MO BANG YUMAMAN ANG INYONG MGA ANAK?

February 3, 2017 By chinkeetan

Sino ba ang gustong naghihirap ang kanilang anak?

Sinong magulang ang nangarap na ang kanilang mga anak ay isang kahig, isang tuka?

Sinong nanay at tatay ang nagplanong balang araw maghihikahos sa hirap ang kanilang anak?

Wala hindi ba? We all want the best for our children.

Gagawin natin ang lahat para mapabuti ang kalagayan ng ating mga anak at magkaroon sila maayos at magandang kinabukasan. Kaya naman talagang nagpapakapagod tayo, nagpapakakuba sa paghahanap buhay para maihanda natin ang future ng ating mga anak.

Pero hindi sapat na todo kayod sa pagtatrabaho. Hindi sapat ang mga sakripisyo natin para magkaroon sila ng masagana at maginhawang buhay in the future. Kailangan natin silang disiplinahin sa paghahawak ng pera at turuang pahalagahan ang bawat singko na dumadaan sa kanilang mga kamay.

Paano natin gagawin ito? Ito ang ilan sa mga maaaring nating gawin:

HUWAG IBIGAY ANG LAHAT NG GUSTO NILA

Huwag nating ibigay ang lahat ng maiibigan nila. Again, huwag lahat. Maaari nating ibigay ang ibang gusto nila pero hindi lahat. Kailangan nilang matutunan ang konsepto ng pagtitiyaga. Kung meron silang gusto, kailangan nila itong paghirapan at pag-trabahuhan. Kailangan nilang maintindihan na hindi lahat ng gusto nila ay masusunod.

IPAUNAWA NA MAY TIMING ANG LAHAT NG BAGAY

Turuan natin silang maghintay. May mga taong hindi marunong maghintay kaya kapag mayroong pera, bili agad, magsisisi nalang sila na meron pa palang mas magandang deal kung nakapaghintay lang sana sila.

BIGYAN NG PAGKAKATAONG HUMAWAK NG PERA

Bigyan sila ng allowance. Kung sakaling umpisa palang ng linggo ubos na ito, huwag silang bigyan ulit. Ito ay para matutunan nilang mag-budget at mag-plano.  Kapag bigay lang tayo ng bigay ng pera may tendency na mag-waldas lang sila ng mag-waldas dahil alam naman nila na may mahihingan sila at may magbibigay.

TURUAN SILANG MAG-IPON

Habang bata sila turuan na natin silang mag-impok. Ang mag-ipon ay magandang habit na madadala nila hanggang sa kanilang paglaki. Mainam na sa murang edad palang nila maintindihan na nila ang kasabihang ‘kapag may isinuksok, may madudukot’.

Kapag ginawa natin ang mga bagay na ito, hindi lang basta yayaman ang mga anak natin, magiging mabuting mga tao rin sila.

Train up a child in the way he should go; even when he is old he will not depart from it. Proverbs 22:6

“Ang bata ay parang mga basang semento, kung ano ang hinulma mo,

mahihirapan ka nang baguhin.”

-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines

THINK. REFLECT. APPLY

  • Kamusta na ang mga anak mo?
  • Natuturuan mo na ba sila sa mga ‘money matters’?
  • May pagpapahalaga ba sila sa pera?

If you want to know more on how to raise moneywise kids, please read my latest book https://bit.ly/2kDsCyO

Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?

Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here, 
https://chinkshop.com/



Submit a Comment



Filed Under: Family Finance, Money, Success, Teaching Financial Literacy to Kids Tagged With: Chink Positive, Chinkee Tan, Financial Literacy Friday, Philippines Top Motivational Speaker, Positive Thinking

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.