Matapang.
Palaban at confident.
Ilan lang yan sa mga adjectives
na pwedeng gamitin to describe
Nadine Lustre.
Ngunit gaya ng karamihan,
nagulat rin ako nang mabasa
sa Instagram post niya
na she dealt with depression
following the death of
her younger brother.
Matinding kalungkutan, ito ang damdamin
na mas naka-agaw atensyon sa akin mula sa
mga salitang ito sa post niya…
“I have days when I have to put a mask on, smiling,
numbing myself from negative emotions,
too often I have already mastered the art of hiding it,
I bet, you never even noticed it.”
https://www.instagram.com/p/BaJoMbABR9R/
Napaisip tuloy ako…
Ilan na ba sa ating mga kapatid ang nakakaranas
ng ganitong sitwasyon?
Sabi nila, no one knows
kung saan nagmumula
ang DEPRESSION
but some of the warning signs include…
Feeling worthless
showing signs of extreme exhaustion
or a sudden change sa personality.
Ganon din ang pagkukuwento about
death and taking one’s life.
Kapatid! Check the people around you.
Baka may kilala ka ng
nangangailangan ng saklolo.
EXTEND A HELPING HAND.
(Photo from this Link)
Ang buhay ay mahalaga.
Maging mapagmatyag.
Don’t underestimate the reassuring effect
of simply reaching out.
If you just pay careful attention,
mararamdaman natin if someone close to us
is feeling down.
We should make our presence felt
and if we can, talk about positive things
and happy moments you’ve shared together.
INFORM A RELATIVE OR CLOSE FRIEND ABOUT IT
(Photo from this Link)
Ipag-alam sa kamag-anak
or trusted friend ng depressed person
kapag may napapansing kakaiba.
Kapag aware ang mga tao sa paligid niya
mas madaming pwedeng mag-aruga
at makinig sa kanya.
Think of it as a strong support system.
LEAD THEM TO JESUS
(Photo from this Link)
Ito ang hindi dapat kalimutan.
Habang ang buhay ay mahalaga, gayundin dapat
ang pagkakaroon ng personal relationship natin sa Kanya.
He is the ONLY WAY, TRUTH, and LIFE.
Hindi pa huli ang lahat.
“Maniwala at magtiwala sa Kanya. He is the ONLY WAY to #KeepGoing.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- May kilala ka bang kaibigan o kamag-anak na may signs of depression?
- Ano ang kaya mong simulan para matulungan sila?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE:
“How to Grow your Income in Multiple Ways”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2zN6SI1
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
COPIES ARE NOW AVAILABLE!
Get up to 50% OFF when you order “Diary of a Pulubi” in bulk today!
10 Books P750 / Free Shipping
20 Books P1,500 / Free Shipping
40 Books P3,000 / Free Shipping
Available NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2xZMhSi
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.