Sa dami ng mga couples na humingi ng payo sa akin, kadalasan, ang puno’t dulo ng kanilang away ay PERA.
Pero alam n’yo, kung hindi ito maayos, sino ang talo?
Siyempre ang mga anak!
Think about what the impact of your argument might be on them:
Hindi lang yan sakit ng damdamin.
Possible pa itong mauwi sa trauma
Lalo na kung hiwalayan ang pag-uusapan.
I am grateful for having been guided by couple friends who have remained faithful to each other despite the hardships they’ve encountered in their marital life.
Allow me to share with you what I’ve learned from them.
MAGING TAPAT SA ASAWA
(Photo from this Link)
Sikapin maging open sa spouse mo kahit ba hindi naman gaanong mahal ang biniling gamit.
Ganoon din pagdating sa investments at tulong na binibigay sa kamag-anak.
Kahit alam mo na posibleng pagmulan ng away ang isang unnecessary expense daanin sa proper timing ang pagsabi kay mister o misis.
Ang tiwala sa isa’t -isa ay haligi ng maayos at matatag na pagsasama.
MAGING MAPAGKUMBABA
(Photo from this Link)
Throughout my 18 years of being married, tanggap ko na na hindi talaga maiiwasang masaktan at mainis sa isa’t -isa ang mag-asawa.
Sa mga pagkakataong may pagtatalo: Matutong maging humble.
I know, usually ang maiisip mo …
“Napakasakit ng ginawa niya. Patatawarin ko ba ulit? Magpapaka-martir na naman ba ako?”
Kapatid, kalma lang.
Once pride sets in, tapos na.
Magiging clouded na ang judgement mo at hindi ka na makapag-isip ng tama.
HUWAG GAWING OPTION ANG HIWALAYAN
(Photo from this Link)
Ito siguro ang isa sa pinakamagandang payo.
Ayon sa mga mentors namin ni misis dapat tanggalin sa buhay mag-asawa ang salitang “HIWALAY!”
It should not have even a hint of ending the marriage.
Ang tamang mindset is, “How can we work this out?”
Kung ano man ang hindi pagkakaintindihan ninyo bilang mag-asawa, work it out and fight for your marriage.
“Sa away ng mag-asawa, ang mga anak ang kawawa. Isipin ang kapakanan nila”
-Chinkee Tan, Wealth Coach Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Nag-away na naman ba kayong mag-asawa?
- Pera na naman ba ang pinagmulan?
- Is your family worth fighting for?
*******************************************************************************************************
To learn more on how to become wealthy and debt-free, please subscribe to my YOUTUBE channel by clicking this link https://www.youtube.com/chinkpositive
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.