Meron ba kayong kilalang tao na mahirap kausap?
Yun bang ang dami mo ng sinabi pero parang wala silang naiintindihan? Natapos mo na ang statement mo from start to finish pero parang wala lang sa kanila?
“Naintindihan ba niya ako?”
“Narinig niya kaya sinabi ko?”
“Bakit parang hangin ang kausap ko?”
Ito yung mga kadalasang tinatanong natin sa ating sarili kapag may mga nakakausap tayong hindi marunong mag-respond ng maayos. May mga deadma, tumatalikod, pabalang sumagot, walang reaksyon, o nagbibingi-bingihan kaya nakakainis at nakakabastos.
Bakit nga ba may mga taong mahirap kausap?
MERON NA SILANG PASYA
Bago ka pa man matapos sa sinasabi mo, nakapagpasya na sila at alam na nila ang gusto nilang gawin kaya hindi ka na nila pinapansin. Kung baga, you’ve lost them early on.
Halimbawa, magbibigay ka sana ng suggestion o payo sa kaibigan mo, sagot lang sayo:
“Oo na, sige na!”
“Bahala na, alam ko na yan”
“Basta basta, kaya ko na yan”
MATIGAS ANG ULO
May mga tao talagang kahit anong gawin o pilit mo, hinding hindi mo sila kayang kontrolin. Dito pumapasok yung mga taong hindi marunong sumagot ng may pag-galang o respeto dahil hindi sila sang-ayon sa kausap nila.
Alam niyo, wala namang mawawala kung pakikinggan natin ang sinasabi ng iba– hindi man ito pabor, pero mas maganda kung maglalaan tayo ng kahit kaunting oras para pakinggan ang comments, suggestions, o opinyon ng iba bilang pag-galang.
Unawain niyo na baka gusto lang nila makatulong sayo kaya hindi nila deserve na pakitaan ng tigas ng ulo o pride.
WALA SILANG BILIB O TIWALA SA IYO
Para sa kanila, balewala ang lahat ng sinasabi mo dahil iniisip nilang hindi mo ito kaya gawin o hindi ikaw ang tamang tao para dun.
For example sa opisina, meron kang magandang idea pero hindi nila ito pinapansin. Mao-observe mo nalang sa conference room na nagdadaldalan na lang sila, nag lalaptop, o may ibang pinagkakaabalahan na para bang wala silang nadinig.
HINDI SILA INTERESADO
Hindi sila interesado sa sinasabi mo, period.
Again, baka meron na silang gustong gawin, hindi nila nagustuhan yung idea mo or the way you presented the idea, o baka may mga sarili silang gusto na hindi nila masabi sayo kaya they will just act as if nothing happened para ikaw na mismo ang sumuko o umalis.
THINK. REFLECT. REPLY.
Sino yung mga taong nahirapan kang kausapin?
Ano kaya ang dahilan nito?
Sa papaanong paraan mo kaya masasabi ang gusto mo?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? You can also check on these related articles:
- MAHIRAP KAUSAP ANG MGA TAONG NEGA
- BAKIT KAYA MAY MAGULONG KAUSAP?
- BAKIT ANG HIRAP KAUSAP NG MGA TAONG SARADO ANG ISIP
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.