May feeling ka ba ng frustration and discontentment sa buhay mo?
May tendency ka ba tumingin sa mga bagay na wala ka kaysa sa kung ano man ang meron sa iyong buhay?
Aminin man natin o hindi, we have the tendency na nakatuon tayo sa kung ano ang meron ang ibang tao sa paligid natin. Kaya may mga panahon na nawawala tayo sa ating wisyo, at nagkakaroon tayo ng dissatisfaction sa buhay.
“Buti pa sila nakakapag-enjoy sa aircon. Tayo naka electric fan lang.”
“Buti pa sila nakakapag-buffet. Tayo laging dito lang sa bahay kumakain.”
“Buti pa sila nakakapag-travel sa ibang bansa. Tayo hanggang Pinas lang.”
Kung ganyan ang mga statement mo, you are now going through the stage of UNGRATEFULNESS.
Sa totoo lang, buti nga may electric fan pa kayo, may nakakain pa at nakakapag-travel din naman. Don’t focus too much on what other people have dahil nababalewala ang mga blessings na meron tayo na DAPAT sana ay ipinagpapasalamat natin.
We need to learn on how to become grateful and thankful no matter what our situation might be.
“Chinkee, I would like to, pero ang hirap, kung parati ka na lang nakakaranas ng hirap.”
If you want to learn the art of gratefulness, here are some reminders.
At narito yung ilan sa mga bagay na hindi natin dapat kalimutan na ipagpasalamat sa araw-araw:
YOU ARE ALIVE
Kung nababasa mo ‘to, ibig sabihin ay humihinga ka pa kaya BE GRATEFUL.
Ang iba, nag-end na ang buhay dito sa mundo dahil nag-break kayo ng mahal mo sa buhay; dahil ikaw ay na-reject sa sales call mo; dahil bumagsak ka sa exam o dahil wala kang masyadong pera.
Kahit may mga kulang pa na bagay sa???yo, ayos lang yan. Ang importante ay buhay ka pa at may PAGKAKATAON ka pang lumaban at makamit ang mga gusto mo sa iyong buhay.
YOU ARE HEALTHY
Kung wala ka naman sakit, wag mo din kalimutan to APPRECIATE this wonderful blessing.
Baka mamaya, ikaw ay nagmumukmok dahil wala kang aircon.
Ang iba, nakaratay na lang sa higaan dahil sa malubhang kasakitan.
Ipagpasalamat mo na lang na malusog ka pa at kaya mo pang KUMAYOD at MAPAG-IPUNAN ang aircon na iyong inaasam.
YOU CAN ENJOY WHAT YOU EAT
Marami ang nakakabili ng masasarap ng pagkain pero wala na ang kanilang panlasa.
Kaya kahit hindi ka nakakapag-buffet, BE THANKFUL na kahit tuyo ang ulam mo, nalalasahan mo pa din ang alat nito.
Sa isang taong marunong i-VALUE ang bawat biyayang pagkain na meron siya ay mag-e-ENJOY kahit na ano pa at kahit gaano pa kakonti o karami ang nasa kanyang hapagkainan.
YOU HAVE A FAMILY
Family is not just the people na mga kadugo mo. As long as you have someone whom you consider a family, TREASURE them.
Ang pamilya ay laging AVAILABLE and READY na tumulong in any way they can.
Wag natin sila i-take for granted. Let them know that they are loved and appreciated.
YOU HAVE A PLACE TO STAY
Kung sa bawat gabi, ikaw at ang iyong pamilya ay may nasisilungan at maayos na natutulugan, wag mo itong balewalain.
At lalo pa kung ikaw ay nakikitira lang, wag ka nang MAGREKLAMO tungkol sa iyong tirahan at sa may-ari nito.
I-redirect mo ang iyong FOCUS mula sa nakikita mong kakulangan sa tinutuluyan mo papunta sa favor na ibinigay sa???yo ng may-ari ng tahanan na tinitirhan mo.
THINK. REFLECT. APPLY.
Naaalala mo pa bang magpasalamat araw-araw?
What reminds you to be thankful everyday?
Ano ang mga dapat mong pagpasalamatan mo sa iyong buhay?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? You can also check on these other related posts:
- BE THANKFUL AND GRATEFUL
- I Am Thankful And Grateful
- MAG-FOCUS SA BIYAYA KAYSA SA PROBLEMA
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.