Minsan mo na bang naranasan yung
bigla ka na lang may naisip na idea
out of nowhere?
Yun bang, nakaupo ka lang sa coffee shop,
sa jeep, bus, o sa kwarto mo,
tapos hindi mo ine-expect, bigla ka na lang
mapapasabi ng: “AY OO NGA NOH!”
O kaya, itong mga salitang ito:
“Paano kaya kung gawin kong _____ yung ______”
“Parang maganda yung idea ko kagabi”
“Wala pang nakagagawa nitong naisip ko”
“Kaunti pa lang kaming may ganito”
Lahat tayo ay may kakayahang mag-isip,
mag-imbento ng ideya, o mag modify —
Yun bang existing na, pero bigla na lang tayo
may bumbilya sa isipan kasi may naisip tayong
mas maganda at tingin nating mas papatok.
Gift natin yan eh.
Napakagaling ng Panginoon na
binigyan tayo ng napakalawak na isipan
at unlimited opportunities na pwede
natin simulang tuparin.
Pero bakit hindi natutuloy?
Bakit ang dami nating
nasayang na ideya?
Nakalista nga, wala naman execution.
Meron akong kakilala,
napaka unique ng kanyang talent sa arts and crafts.
Madami na siyang napapahanga at
gusto niya sana mag-expand at subukang
ibenta sa mga malls — kaso, sa tagal,
ayun may nauna na. Sayang ‘di ba?
When an idea hits us hard,
ano ang pwede nating gawin at tandaan?
DON’T WASTE ANY TIME posible
(Photo from this Link)
“Chaka na lang siguro”
“Ay hindi ko ata kaya”
“Wala naman siguro makakaisip pa niyan”
Nako, yun ang akala natin.
Sa dami ng tao sa Pilipinas
na lahat nabiyayaan ng angking talino,
meron at merong makakaisip niyan.
Kaya habang wala pa o kaunti pa lang,
planuhin na kaagad ‘yan at huwag ng
magsayang ng oras.
Saka na isipin ang kapital.
Once na mailatag natin ng maayos,
panigurado, may mga taong tutulong
sa atin dahil naniniwala sila sa ating vision.
BELIEVE THAT YOU CAN POSIBLE
(Photo from this Link)
Walang imposible kapag gusto nating
gawin ang isang bagay.
Pero hindi sa capital, produkto, o location
nagsisimula ito, kundi:
NAGSISIMULA SA SARILI NATIN.
And the rest will just follow.
Balewala ang lahat ng ating efforts
if we always doubt what we can do.
Simula pa lang, dina-down na natin
ang ating mga sarili.
Hindi po.
Dapat, simula pa lang, claim that YOU CAN DO IT!
Huwag mapanghinaan ng loob at
huwag makinig sa sabi-sabi ng iba na
imposible ang gusto natin.
Gagawin naman natin ito step-by-step
para hindi tayo mabibigla along the way.
TALK TO POSITIVE PEOPLE POSIBLE
(Photo from this Link)
Paligiran ang sarili natin ng positive people.
Yung mga taong susuportahan tayo at
hindi tayo hahatakin pababa.
Meron kasing iba na dala ng inggit,
eh gagawa ng issue para hindi natin ituloy.
“Hindi mo kaya yan!”
“Ha? Okay ka lang? ‘Di mangyayari ‘yan”
“Ikaw, magbi-business? Nakatatawa naman”
It may seem impossible for them but not for us
and the people who loves us.
Kapag mahalaga tayo sa isang tao,
hinding hindi nila tayo sisiraan, instead,
they will push us so hard and remind us
of our goals in life.
Sila ang magsisilbing cheering squad
natin mula simula hanggang dulo.
Sila yung kapag nag fail, tutulungan tayo tumayo,
at kapag nag succeed, sila yung kasama
natin side-by-side to show how proud they are of us.
Iyan ang tunay na kaibigan.
Let me help you execute your ideas!
Sali na sa “JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now! Asenso Later!” And learn how to build your business from scratch via Live Stream Seminar for P799 via an Exclusive Facebook Group. Ito pa, may 30 days REPLAY pa! You can watch it anytime, anywhere!
Click here now: http://bit.ly/2OIy81c to reserve your slots.
“Huwag sayangin ang talinong binigay ng Panginoon.
Kapag may naisip na ideya, magtiwala sa sarili at planuhin na agad ito
bago ka pa maunahan ng ibang tao.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong mga ideya ang naisip mo pero hindi naisakatuparan?
- Ngayon, may naiisip ka bang pwede gawing negosyo?
- Willing ka na bang kumilos para mangyari na ito?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.