Kahit ako ay naka-bakayson habang sinusulat ko itong blog na ito.
Ang pagbigay ng inspirasyon at pag-asa ay hindi on vacation mode.
Kailangan kasi natin ito araw-araw, lalo na sa mga taong merong pinagdadaanan sa buhay.
Umpisahan natin sa isang tagos-laman at mataimtim na pagbati ng “MALIGAYANG PASKO.”
Kamusta naman ang iyong pasko?
Ano ang nararamdaman mo?
Masaya ka ba o nalulungkot?
Buo ba o hindi siya kumpleto?
Natutuwa ka ba o medyo depressed?
Kahit ano man ang iyong feeling sa araw na ito, this blog is especially dedicated lalo na…
Sa mga KABABAYAN KONG NASA ABROAD na nakipagsapalaran para magbigay ng magandang kinabukasan ang inyong pamilya. Minsan nagkakaroon ng feeling na malungkot ang iyong pasko dahil malayo kayo sa iyong mga mahal sa buhay.
Sa mga SAMAHAN NG WALANG PARTNER sa buhay ngayon pasko. Feeling na malamig ang iyong pasko dahil wala kang kayakap at nag sasabi sa iyo ng “I love you!”
Sa mga HINDI NAKATANGGAP ng kanilang mga bonuses at mga inaasahang regalo. Minsan nadidismaya dahil hindi dumating ang hinihintay.
Sa mga MAGULANG na hindi na masyadong nabibisita ng iyong mga anak at kamag-anak dahil busy na rin sila sa kanilang mga sariling pamilya. Naaawa sa kanilang sarili dahil feeling nila wala na silang silbi at nagmamahal sa kanila.
Meron akong magandang balita sayo sa araw na ito.
“Ano yan Chinkee, matutupad na ba ang wish ko itong pasko?”
Kapatid, higit pa! Tapusin mo lang ang pagbabasa mo.
Para sa mga kababayan ko na malayo sa kanilang pamilya, kahit ikaw ay wala sa piling ng mahal mo sa buhay, punan natin ng pagmamahal ng Diyos ang ating puso dahil si Lord ay hindi malayo. He is omnipresent. Kasama natin siya kahit tayo ay malayo sa ating bansa.
Para sa mga samahang malamig ang pasko, kahit feeling mo na ikaw ay nalulungkot dahil wala kang special someone. Ang mabuting balita pwede ito punan na isang tunay na pagmamahal na hindi nagbabago at laging maasahan. Ito ang tunay na pagmamahal ng Diyos. Believe me, only God can fill that void in your heart.
Para sa mga taong hindi natanggap ang wish sa pasko, huwag kang magmumukmuk, dahil God will supply our needs according to His glorious riches and in His rightful time. Trust in Him and depend on Him. For your time will come.
Para sa mga magulang na hindi na masyadong napapansin ng kanilang mga anak, huwag kayo tuluyan na mag-isip na kayo ay pinabayaan. Unawain na lang ninyo na meron na rin silang sari-sariling pamilya na kailangan din bigyan ng pansin. At kung tunay na hindi na sila nagpaparamdam ito naman ang mabuting balita ko sayo, Tumawag ka at kumapit ka sa Diyos, dahil ikaw ay hindi niya iiwanan at pababayaan.
In other words, kahit sino ka man, nasaan ka man, kahit ano ang iyong pinagdadaanan, si Lord pa rin ang kukumpleto ng ating pasko. After all, bakit ba natin pinagdiriwang itong pasko na ito. Di ba siya yung dahilan. Siya naman ang may birthday. Siya ang dapat pagtuunan ng pansin at siya dapat ang tanggapin sa ating buhay at puso para makumpleto ang ating pasko.
THINK. REFLECT. APPLY.
Kamusta ang iyong pasko?
Kumpleto ba ito o hindi?
Kung hindi, ano pa ang hinahanap at hinihintay mo, tanggapin mo na si Lord sa iyong puso para makumpleto na ang iyong pasko.
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.