May dinaramdam ka ba?
May tinatago ka bang sama ng loob?
Ano ang dahilan ng iyong kalungkutan?
Kung meron kang ini-inda.
Basahin mo itong blog na ito. Ito ay para sa iyo.
Kaka-break mo lang ba sa girlfriend or boyfriend mo?
O kahihiwalay lang ninyong mag-asawa?
Niloko ka ba ng mga kaibigan o pinagkakatiwalaan mo?
Yan ang eksaktong nangyari sa akin noong may kasosyo ako sa negosyo.
Tinulungan ko siya dahil nakita ko naman siya ay masipag at pwedeng pagkatiwalaan.
Pero noong natuto at kumikita na! Yun na, lumabas ng ang tunay ng pag-uugali.
Sinulot ng ang aking mga customer at siniraan pa ako.
Napakasakit at feeling ko na parang katapusan na ng mundo?
Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin?
Idedemanda ko ba o pababayaan ko na lang?
Hindi na ako makapag-isip ng tama at hindi na magagandang ang naiisip ko.
Do you understand what I mean?
Nalungkot ako at hirap na hirap ako maka move- on.
Hindi na ako naglalabas at naapektuhan din aking negosyo.
In the process, humina rin ang aking benta.
I remember someone spoke life to me and said.
“Chinkee, ok lang magdalamhati kung may nawala sa iyo. Wala pa akong nakitang tao na natutuwa, nagagalak at nagsasaya dahil siya ay nanakawan o namatayan. Ok lang naman ma-sad, ang importante ay huwag lang ma-sad ng pang matagalan. Ok lang ma-depress, huwag ka lang titira doon ng pang habang buhay.”
Give yourself time lang for grieving but make sure you get out.
Kung ano man ang nawala sayo, magkakaroon ka muli.
Kung nawalan ka man ng mahal sa buhay, may nakahanda si Lord sayo na higit pa.
Kung may nagnakaw na iyong pinagpaguran na pangalan at reputasyon, aayusin yan ng Diyos at ibabalik niya muli ng siksik, liglig at umaapaw.
I hope you feel better after reading this message.
Darating ang panahon na liligaya ka muli. Maniwala ka!
THINK. REFLECT. APPLY.
Kamusta na ang iyong nararamdaman?
Meron ka bang mabigat na pinagdadaanan?
Handa ka na bang maranasan ang kaligayahan muli?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? Here are some other related posts:
- Tips To Have A Healthy Happy Life
- ARE YOU HAPPY WITH WHAT YOU’RE DOING?
- FROM AN ENLIGHTENED HAPPY WIFE
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.