Do you consider your spouse as your teammate or as your opponent?
Merong bang division sa pamilya ninyo – team mister vs. team misis?
May mga pagkakataon na nagkakaroon ng division sa mag-asawa. Nandyan yung gusto ng kapatid mo na mangutang sa inyo ng puhunan para sa itatayo niyang business. Okay lang sa iyo, pero ayaw naman magpahiram ng asawa mo.
Kapag tinuloy mo yun ay tiyak na magkakagulo kayo ng asawa mo dahil masasaktan siya. Kapag di mo naman tinuloy, magkakagulo naman sa pagitan ng asawa mo at ng kapatid mo.
But the question is, nakanino ba ang loyalty mo?
Tandaan mo na the moment you said “I do” was the same moment that you said goodbye to your old team (your parents and siblings) and entered a new one (your spouse and future children).
Hindi naman sa babalewalain mo na ang parents and siblings mo dahil ikinasal ka na. Your parents are still your parents and your siblings are still your siblings even after you get married. Di na mababago yun. Pero dapat mong maintindihan na iba na ang priorities mo. Ang priority mo na ay ang iyong asawa at mga anak (of course, after kay God).
So for those moments na kailangan mong mag-decide, always consider what’s best for your team. Why?
Because . . .
TOGETHER YOU STAND, DIVIDED YOU FALL
Lahat ng decision mo will either help or hinder the growth of your relationship with your family. Sa mga pagkakataon na may mali kang desisyon na magawa, hindi lang ikaw ang babagsak, sama sama kayo ng pamilya mo. And sa mga pagkakataon naman na tama ang maging desisyon mo ay sama sama din kayo ng pamilya mo na makikinabang dun. Kailangan talaga na meron positivity and teamwork sa bawat pamilya.
Also remember that . . .
YOUR SPOUSE COMPLEMENTS YOU, NOT COMPETES WITH YOU
Aminin man natin o hindi, may mga weaknesses tayo. And most of the time, our weaknesses are our spouse’s strengths.
Kaya nga kayo pinagtagpo ni Lord ng asawa mo. Hindi para mag-compete kayo kung sino ang best, kundi para i-complement ang isa’t isa. Diba mas maganda ang team na iba iba ang strength ng bawat member? Paano na lang kung ang strength ninyo pareho ng asawa mo ay mag-handle ng finances pero wala naman marunong magluto? Or pareho kayong magaling magluto pero wala naming organized sa inyo?
Always remember that. You and your spouse are a TEAM. MAGKAKAMPI KAYO AT HINDI MAGKATUNGGALI!
THINK. REFLECT. APPLY.
Is your loyalty with your spouse?
Do you appreciate that your spouse complements you?
What are other things na pwede ninyong gawin ng asawa mo to improve your family as a team?
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article motivate you? You can also check out these other related posts:
- RELIGION OR RELATIONSHIP
- Paano Maiiwas ang Family Conflict?
- DEALING WITH UNSUPPORTIVE SPOUSE
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.