Oh naalala mo s’ya noh? Nakita mo lang yung “X”
s’ya na agad naisip mo, haha..
O baka naman naalala mo yung exam ninyo
kung saan palaging hinahanap ang “X”. Bata pa lang
ako hinahanap na yang x na ‘yan eh. Ewan ko ba bakit
hindi makita-kita. Lagi na lang hinahanap. Haha!
But kidding aside, ano nga ba ang X sa buhay natin?
May meaning nga ba talaga ito? So naisipan kong
magsulat tungkol dito to learn more about ourselves.
This X could be your
X FACTOR
X is just a letter pero kung titingnan natin ito, it has
intersecting lines that cross with one another and creates
four equally smaller lines.
So kung titingnan din natin, parang buhay din natin ito na
may mga interconnecting areas tulad ng physical, emotional,
spiritual and financial.
Ito yung mga areas na kailangan mabalanse natin para
lumabas ang ating uniqueness o ang ating katangian
na kakaiba kumpara sa ibang mga tao sa paligid natin.
This X factor is something that we can only define. Kasi
iba-iba tayo ng mga pananaw. Mayroon tayong standards
na iba-iba. Kaya sa sarili natin, mahalagang alam natin ito.
It’s not just beauty or talent or fitness or wealth, it’s our
wholeness. Yung kabuuhan natin bilang isang tao ay
mahalagang kilalanin natin at pahalagahan natin.
Dahil ayaw naman natin na ang X ay maging
WRONG
Sino ba naman ang masaya na maraming x sa test ‘di ba?
Ganun din sa mismong buhay natin. Ayaw natin na
magkamali na naman tayo o kaya tayo ang sisihin sa
pagkakamali na nangyari sa buhay ng iba.
Pero kahit anong iwas natin dito, darating at darating
sa punto na tayo ay nagkakamali at kailangan nating
matutunang itama ito o huwag nang maulit ito.
Minsan nga kahit hindi tayo nananalo ang mahalaga ay
tama ang ginawa pa rin natin. Dahil alam natin na
dapat iwasan ang X, dapat iwasan ang mali.
Maling tao, maling gawain, maling paniniwala, maling
akala, maling pag-iisip… at marami pang iba. Habang
tayo ay tumatanda sa mundong ito mas nalalaman
natin kung ano ang tama at kung ano ang mali.
Dahil ang bawat karanasan at nakikita natin ay tumutulong
sa atin upang unawaing balansihin ang ating pisikal,
emosyonal, espiritwal at pinansyal na aspeto ng buhay.
REPRESENTATION
Sa huli ang X is isang titik na sumisimbolo sa ibang mga
bagay. Maaari rin itong maging number 10, na katumbas
nito. Ganito rin tayong mga tao.
Kung titingnan ako ay isang tao, na may sariling pangalan.
Pero hindi lamang ako si Chinkee Tan na isang writer, o
motivational speaker. Isa rin akong asawa, ama, anak,
kaibigan, kapatid, kapamilya, kapuso hahaha!
At kayo rin, may iba’t ibang ginagampanan din kayo sa
buhay ninyo. Lahat tayo. Pero huwag nating kalimutan
kung sino talaga ang totoong tayo.
People change pero kahit marami man sa atin ang mag-
bago, kailangan pa rin nating panghawakan ang sarili
natin at ingatan ito dahil ito ang sariling identity natin.
Ito ang dahilan kung bakit tayo minamahal at patuloy
na minamahal ng mga taong nakapaligid sa atin. Kaya
huwag kang mapagod alamin kung ano ang X dahil
“Hindi lahat ng X ay patungkol lamang sa ibang bagay o tao,
Minsan nasa sarili natin mismo ito na kailangan natin nang buo.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang bumubuo sa iyong pagkatao?
- Paano mo binuo ang iyong sarili mula sa pagkawasak?
- Gaano mo pinapahalagahan ang iyong sarili?
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.