Naranasan mo na bang kumita ng malaking pera? Ano ang ginawa mo nang matanggap mo ang halagang iyon?
Marami sa atin, hindi naman talaga ang liit o laki ng kinikita ang problema kaya walang ipon, kundi ang mismong paghawak natin ng ating kinikita. Maski kasi yung mga taong nasa six-digit ang kinikita, nagiging zero-digit din ang laman ng wallet pagkaraan ng ilang araw. Bakit? Kasi sila yung tipong…
FEELING ONE-DAY BILLIONAIRE
Kapag natanggap ang pinakahihintay na pinaghirapang paycheck ay kung saan-saan na ginastos ang pera.
Shopping dito, shopping doon. Foodtrip dito, foodtrip doon. Travel dito, travel pa more!
Anong sinasabi sa sarli tuwing nag-o-overspend?
“I deserve this!”
“I deserve a break!”
Anong nangyayari matapos ito? Break na rin ang laman ng savings account! Back to zero ang kinitang pera at maghihintay na lang ulit na malamanan ito sa susunod na sweldo.
My friend, kung gusto mong palaguin ang iyong pera, huwag mong isiping palagi kang mayaman. Darating ang araw na maaaring mawala ang main source of income mo, kaya bago dumating ang puntong ito, dapat handa tayo.
NAG-I-INVEST BASTA-BASTA
If you have been following my vlogs for so long, alam mo na paulit-ulit kong sinasabi tungkol sa investment: never put your money in something you do not know.
Do your research. Kahit gaano karami ang pera mo, maaaring mawala sa isang iglap ito nang dahil sa isang maling investment.
Mabuti ring kumonsulta sa isang finance expert para mapayuhan ka sa tamang paraan ng pag-i-invest ng iyong pera.
NAGPEPETIKS NA LAMANG
Ang iba sa atin kapag nagkaroon ng malaking pera, nagpepetiks na lamang. Hayahay sarap buhay! Pero sa totoo lang, my friend, kung marami ang iyong pera, mas dapat damihan mo ang iyong pagsusumikap na palaguin ito.
The more money you make, the harder you must work for it to grow further.
Kaya huwag kang titigil, huwag masyadong makampante. Tuloy-tuloy lang dapat sa pagsisikap!
“The real winners in life are those who never give up. Kaya laban lang patungo sa iyong pangarap!”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Watch my YouTube video:
Para Maka-iwas Sa Lugi: Panoorin Ang 3 Tips To Avoid Scams
Click here: https://youtu.be/AtcsqDB0lX4
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang kasalukuyang challenges mo sa iyong pera?
- Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit mo nararanasan ang problemang iyon?
- Paano mo masusulusyonan ang iyong problema sa pera?
Unlock all my online courses for only P1,598 (instead of P11,186) to be able to watch and learn for 1 year!
Yes! Unlimited Access For All Videos For One Whole Year!!!
– Juan Negosyante
– How To Retire At 50
– Benta Benta Pag May Time
– Be A Virtual Professional
– Secrets of Successful Chinoypreneurs
– Happy Wife Happy Life Online Coaching
– Happy Wife Happy Life Live Seminar
– Ipon Pa More
– Become A Master Prospector
– Online Negosyante
– Raising Moneywise Kids
– First Million in Direct Selling
– Stock Market for Every Juan with Marvin Germo
– Real Estate (NEW!)
Click here to register: https://lddy.no/8vbk
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.