Marami sa atin ngayon ang naghahanap na ng trabaho online dahil sa sobrang traffic — work from home, kumbaga. Pero ang iba iniisip na hindi rin nito mapapantayan ang mga trabaho sa labas.
Well, I disagree. Madalas ko na rin itong nasasabi sa mga videos ko. I have my own team. Lahat sila virtual. Marami sa kanila ang full time, yung iba naman ay part-time.
Maraming advantages ang work from home.
SAVE MONEY
You can come as you are. Hindi mo na kailangan pang magkuntodo porma o ayos. Haha! Pero syempre may mga ilang home-based work na kailangan presentable.
Lalo na kapag may mga video call or meeting. Pero mas nakatitipid pa rin kasi hindi mo na rin kailangan mamasahe pa. Iwas tukso na rin sa mga yayaan na kain sa labas.
Dahil wala kang mga katrabaho na laging gutom at hihila sa ‘yo na kumain na lang sa labas. Lol! Maliban pa dito, mas mababadyet mo ang iyong kinikita kada buwan.
SAVE ENERGY
Hindi mo na kailangan mag-effort na gumising nang mas maaga para mag-prepare, tapos magco-commute pa na halos magpalitan na kayo ng mukha ng kasabayan mo, haha!
Less stress din. Well wala namang trabaho na hindi nakaka-stress, pero at least sa home-based work, maiiwasan na natin yung mga taong makasasabay natin sa byahe o kaya naman yung mga driver na halos pinapalipad na ang sinasakyan natin.
SAVE TIME
Oo naman! Imagine mo, hindi mo na kailangan magdagdag ng oras para sa byahe lalo na kapag nagco-commute! Ay grabe talaga. May iba kasi halos umaabot sa 4 na oras ang byahe lang.
Imbis na tinulog mo pa yun o kaya kung may mga anak ka, yung oras na yun pwede na rin sa paggawa ng assignment. O kaya naman kung may kamag-anak o kapamilya na may sakit, mas maaalagaan din natin sila.
“Ang work from home ay isang biyaya
lalo na sa mga taong may inaasikasong pamilya. “
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Magkano ang naiipon mo mula sa trabaho mo ngayon?
- Ano ang pinaka-stressful sa work mo ngayon?
- Gusto mo rin bang maging isang virtual professional?
Please watch my YouTube video:
Don’t Miss This Top 8 Advantages of Working from Home
**BE A VIRTUAL PROFESSIONAL FOR ONLY P799** Click here: https://lddy.no/8vd8
Earn a Six Figure Income and Work in a Career You Love, Without Leaving the Comfort of Your Home.
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.