Kung humihinga ka pa at nababasa mo ang blog na ito..
CONGRATULATIONS!
Nanalo ka na sa buhay! LOL
Pero bago pa tayo manalo sa buhay, dapat yakapin natin ang pagkakataong tayo ay sumablay.
Gaya nalang ng super negosyanteng nag mamay-ari ng higit 50 malls sa bansa.
Sa tingin mo ba hindi siya nakatikim ng pagkalugi?
O ang estudyanteng nagtapos ng summa cum laude hindi naman pwedeng perfect siya forever at never nakaranas ng pagkakamali.
Anong ibig sabihin nito?
Failure is inevitable.
Pero natatangi ang mga nag-tatagumpay dahil hindi sila nagpapadaig sa mga hamon ng buhay.
Labanan ng mindset ito.
Pero paano ba magkaroon ng winning mindset? Madali lang!
DEDMAHIN ANG MGA NEGA
(Photo from this Link)
May control ka sa mga basurang binabato sa ‘yo.
Huwag mong hayaang malunod ka sa smokey mountain ng kanegahan.
May mga comments na nakakatulong sa ‘yo pero meron din namang sadyang sumisira lang ng vibes.
MANIWALA KA SA SARILI MO
(Photo form this Link)
Hindi kayabangan ang self-confidence!
Maniwala kang kaya mo.
Tatagan ang loob na makakarating ka din sa tuktok.
Maniwala kang ikaw naman ang titingalain next time.
YAKAPIN MO ANG MGA PAGBABAGO
(Photo from this Link)
Allow yourself to grow through the hardships you face.
Huwag tayong magpaka-bansot like a bonsai.
Let us learn from our failures.
“Panangga sa hamon ng buhay ang POSITIBONG PANANAW!”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- Do you see yourself as a winner?
- Ano ang mga kailangan mong pakawalan para makamit ang winning mindset?
- Ano pa sa tingin mo ang magandang effect ng pagkakaroon ng positibong pananaw?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.