Bakit nga ba may mga taong hindi na natuto?
Kahit ilang beses ng napahamak, nagkamali, o naloko, hindi pa rin natututo?
Sabi nga ng isang kasabihan, ‘experience is the best teacher’.
Pero bakit kailangan pang maranasan ang karanasan ng iba kung maaari namang matuto na lang sa mga naranasan nila? Less pain, less hurt, and less consequences. A wise person learns from the mistakes and failures of others.
Pero bakit nga ba may mga taong hindi na natuto?
CLOSE-MINDED
Meron silang sariling paniniwala at sariling values na pinanghahawakan kaya sarado ang puso at isipan nila sa iba pang learning. Kung anong nakasanayan at nakagawian nila, ‘yun lang ang alam at gagawin nila – wala nang iba. Wala nang ibang tama, mainam, at maganda kundi ang sarili nilang opinion at pananaw. Kaya naman, ‘di nakapagtataka na nagiging stagnant sila at walang growth. Walang room for improvement, kasi puno na ng kung ano ang nakagawian nila. Sila ‘yung mga taong ayaw sumubok, ayaw lumabas ng comfort zone, ayaw mag-step out, ayaw ng inconvenience, ayaw mag-risk, at ayaw ng change. ‘Di na nakapagtataka kung ‘di sila natututo.
CHOICE
Kahit gaano kagaling ang teacher at kahit anong sikat at husay ng school, nakasalalay pa rin sa estudyante ang growth at learning niya. Hindi naman pwedeng isisi sa teacher, school, libro, at principal kung bakit may mga estudyanteng hindi natututo. Bakit? Kasi may choice sila. Gagawa ba sila ng homework o maglalaro ng Clash of Clans? Magre-review ba sila para sa exam o tatambay kasama ng barkada? Magpapakasipag ba sila o magpapakatamad? Magsisikap ba sila o susuko? Tayo ang pumipili ng mga choices natin. Ganoon din sa tunay na buhay. Hindi natin pwedeng isisi sa iba ang kalagayan ng buhay natin ngayon dahil tayo rin ang may kagagawan. Kung matututo man tayo, ‘yun ay dahil pinili nating matuto at kung hindi naman, ay choice rin natin iyon.
MANHID
May mga taong namanhid na ng panahon. Sa dami ng sakit, rejection, at failure na naranasan – eh, parang kinalyo na ang puso at ayaw ng sumubok ulit. Wala na silang maramdaman at lalong wala na silang balak na umulit pa. Kumbaga eh, naubos na ang pisi. Sa madaling salita, dalang-dala na. Kung ‘di man sila natuto, wala na silang pakialam kasi manhid na sila. Ngunit ‘di alam ng mga taong manhid na hangga’t nabubuhay sila, may pag-asa pa. Laging may pagkakataon para matuto at itama ang mga pagkakamali.
Hindi nasusukat sa diploma o transcript of records ang ating karunungan. Mga papel lamang ito na maaaring mapunit at masunog. What matters is how we accept, perceive things, and respond to situations. As long as we live, the learning should never stop. Don’t stop learning and growing. Let go and learn new things. Open your mind and be teachable. Make it your choice to learn and grow.
THINK. REFLECT. APPLY.
What have you learned lately?
Do you consider yourself as a closed-minded person or not?
What stops you from learning?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also check on these related posts:
- LEARNING FROM OUR MISTAKES
- Learn From Your Mistakes and Never Repeat it Again
- KUNG SAAN NADAPA, DOON BUMANGON
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.