May kakilala ba kayong mga taong masyadong mapuna sa ibang tao?
“Tingnan mo naman ang baduy naman niya, hindi match and pants niya sa top niya.”
“Grabe naman kung kumain yung bagong officemate natin, sobrang takaw.”
“Akala mo kung sinong magaling, wala namang alam.”
Let’s keep it real. Sigurado akong nagkaroon ng punto sa ating buhay that we became too judgemental.
Okay lang if we keep it to ourselves, pero kung ito ay nasasabi mo nang madalas sa iba at nagiging habit na ito, kailangan na nating tanungin ang sarili kung saan nagmumula ang pag-puna?
Is it out of insecurity? Are we envious of other people’s success?
Kahit naman sino- maging ako, tinatamaan pa rin ng inggit.
Kapag may nakikita akong mas nakaka-angat sa akin, napapatanong ako..
“Lord, masipag naman ako, mas cute naman ako sa kanya. Bakit siya binigyan mo, ako hindi!”
Minsan nagkakaroon tayo na feeling, ang yabang naman ng taong ito, masyadong mahangin.
Pero huwag na nating patulan.
Dahil alam naman ng lahat na nagbubuhat lang siya ng bangko.
Hindi lang ikaw ang nakakapansin niyan.
That is the reason why I have to be intentional in looking inward and checking my heart from time to time.
Kung sumasama ang loob ko kung may nakikita akong taong na nag-tatagumpay o mga taong nagmamalaki!
Ask yourself kung..
Nai-in-inspire ba ako o naiinggit?
Na-cha-challenge ba ako o nadidismaya?
Bago tayo mamuna ng pagkakamali o kahinaan ng iba, pansinin na muna natin ang ating sarili.
Nobody is perfect.
Let us examine ourselves and strive to talk less about other people.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Meron ba tayong pagkukulang sa iba?
- Meron ba tayong pagkakamali na nagawa?
- Meron ba tayong mga ugali na nakaka-offend?
- Meron ba tayong dapat ayusin sa ating sarili?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? Here are some other related posts:
- Bakit Ang Hilig Nating Pansinin Ang Mali Ng Iba?
- Mapanghusgang Mundo
- HOW TO AVOID JEALOUSY
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.