#Relationshipgoals..
#Squadgoals – alam natin yan.
Sa social media hindi naman nauubusan ng mga “pegs” na gusto nating tularan.
Pero nakapag- muni muni ka ba sa kung ano ang #ultimategoal mo?
Ito ang pinaka- importanteng pinaka-aasam asam mong makamit.
Tipong lahat na ng iba mong life goals ay halos secondary o hindi kasing halaga ng #ultimategoal.
Kapatid, mainam na pag-isipan ng mabuti kung ano ito.
Paraan yan para centered at nakatutok ang lahat ng ating panahon, energy, talino at resources sa katuparan ng #ultimategoal na ito.
Paano nga ba matatamaan ang BULLSEYE?
Narito ang ilang bagay na gagabay sa inyo:
KNOW YOUR WHY
(Photo from Link)
Kung may naisip kang goal, ask yourself, ‘bakit ito ang goal ko?’
Kapag klaro sa iyo kung bakit mo ginagawa ang isang bagay o bakit mo gustong maabot ang isang pangarap, meron at meron kang babalik-balikan sa tuwing may pagsubok at obstacles sa #ultimategoal.
IDIKIT SA PASSION ANG #ULTIMATEGOAL
(Photo from this Link)
Anong bagay ang hinding – hindi ka napipilitan gawin?
Effortless, ika nga.
Something you genuinely enjoy doing?
Mainam na kung di man naka-angkla ito sa #ultimategoal mo, sana kahit papaano ay konektado o related ito sa hilig mo.
DON’T RUSH INTO IT
(Photo from this Link)
Kung sakaling hanggang ngayon hindi mo pa rin mawari ang iyong bullseye o pinaka-target, huwag kang ma-dismaya, kapatid.
Ang kwento ng ating buhay ay mahirap hulaan at hindi dapat minamadali.
“CONNECT with your DREAMS to achieve your GOAL.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- Have you answered your “WHY?”
- What do you think is your purpose in life?
- What will it take to hit the bullseye?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.