Yan ang isa sa pinakasikat na kataga mula sa Bible. Pero bago ang mga katagang yan, sabi sa unang part ng Galatians 6:7 ay, “Do not be deceived: God cannot be mocked.”
Hindi natin MADADAYA ang Diyos. Dahil sa wala naman masamang nangyari sa ginawa natin na mali, akala natin na hindi ito mamumunga. Tatandaan natin, it takes time for a seed to grow.
Kung ikaw ay nagsinungaling sa iyong kapwa, hindi ito agad-agad mabubuking.
Kung ikaw ay hindi naging tapat sa iyong asawa, hindi naman ito agad-agad na malalaman.
Kung ikaw ay gumagamit ng petty cash fund ng inyong kumpanya, hindi naman ito agad masisilip.
Pero ito ay mamumunga sa takdang panahon.
Kaya anuman ang gawin natin, ito ay kusang babalik sa atin.
And I want to share two things you need to do.
First, what you need to do is to just…
FOCUS ON THE LONG-TERM, NOT ON THE SHORT-TERM
Karamihan sa atin ay basta basta na lang gumagawa ng mga bagay without thinking of the CONSEQUENCES.
Nagtatanim ng GALIT sa puso dahil sa ginawang mali ng kaibigan.
Nagiging MAKASARILI dahil ayaw malamangan ng katrabaho.
Iniisip MAGHIGANTI para makabawi sa kapitbahay na nang-agrabyado.
Puro PANGHUHUSGA ang laman ng isip sa kasama sa simbahan.
Laging KAPINTASAN ang paboritong pastime ninyong magkakaibigan.
If you ASSESS yourself at ganyan ang iyong natatanim, friendly reminder lang, yan DIN ang iyong aanihin.
Sabi nga ni Zig Ziglar . . .
Your personal life affects your family life.
Your family life affects your business life.
Your business affects your physical.
Your physical affects your mental.
Your mental affects your spiritual.
Your spiritual affects your financial.
Your financial affects your personal life.
Everything affects everything else.
So if those NEGATIVE things are not what you want to reap, huwag mo nang ipagpabukas pa ang pagtatanim ng mga BAGO AT POSITIBONG mga pananim.
You have to FOCUS on what you want to reap para hindi ka magkakamali sa iyong itinatanim.
The second thing you need to do is…
SOW GOODNESS, SO YOU WILL REAP GOODNESS
Sabi nga diba, kung may sinuksok, may madudukot. Pero kung WALA ka naman isinuksok, bakit mo AASAHAN na ikaw ay may madudukot?
Kung gusto mong umani ng travel adventures, dapat nagtatanim ka na sa pamamagitan ng PAG-IIPON para dito. You also need to be DISCIPLINED kung gusto mo talagang makuha ang gusto mong anihin.
Kung gusto mong umani ng successful business, dapat umpisahan mo nang magtanim by putting your plans into ACTION. Hindi lang magtatapos sa business idea, dapat din you are willing to START and TAKE RISKS.
Kung gusto mong umani ng early retirement, dapat habang BATA ka pa ay nagtatanim ka na ng iyong RETIREMENT FUND. Kailangan COMMITTED ka sa iyong gustong anihin para maging CONSISTENT ka sa pagtatanim ng mga healthy seeds.
These are the two things that you need to do para ang iyong aanihin ay ang talagang gusto mo. Focus on your desired harvest, sow now, at darating ang tamang panahon for you to reap what you sow.
THINK. REFLECT. REPLY.
May naitatanim ka ba?
Ano ang iyong itinatanim?
Is this what you want to reap in the future?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? Check on these other related articles:
- Life’s Not Fair!
- THE PEACE STEALERS
- Ultimate Worrier Ka Ba?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.