May mga oras bang gusto mo tuparin ang iyong pangarap pero may humahadlang?
Gusto mo mag-business pero sasabihing:
“Ikaw, magbi-business? Hindi mo kakayanin yung pressure.”
Gusto mo gawin ang passion mo pero may mag-re-react ng:
“Paano ka aasenso niyan kung hobby mo lang paiiralin mo?”
Gusto mo na sana umuwi ng Pilipinas pero negative kaagad sila:
“Ano papakain mo sa pamilya mo kapag dito ka naghanap ng trabaho?”
Nakakalungkot isipin na kadalasan sa pamilya at kaibigan pa natin nanggagaling ang mga salitang iyan. Nag-e-expect pa naman tayo ng suporta and words of encouragement pero what we hear are criticisms, rejection of ideas, o napapagtawanan pa nga kung minsan.
What will you do if others are trying to put you down?
SIMPLE! You get back up!
How can you get back up?
MAKE YOUR OWN DECISION
If you follow what others say, meron silang masasabi…
If you follow what you want, meron PA DIN silang masasabi…
When people put you down sa gusto mong gawin sa buhay, always keep in mind that you have the final say. You just need to be courageous enough to make a tough decision.
FOCUS ON YOUR GOAL
Never get distracted and make it happen.
Marami ka ng nasayang na oras.
Marami na rin ang nag-discourage sayo.
Marami ka na rin nagawa na hindi mo pa natatapos.
It is time for you to focus and set your mind for success.
WALANG IMPOSIBLE
Para sa mga taong may paninindigan.
Para sa mga taong naniniwala.
Para sa mga taong sa mga taong hindi umaayaw.
Walang imposible sa taong determinado at walang pwedeng makapagpabagsak sayo at makakapagpahina ng loob mo.
“Walang imposible sa mga taong naniniwala sa kanilang pangarap!”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong gusto mo gawin sa buhay na hindi mo magawa?
- Sino ang nagdo-down sayo?
- Handa mo na ba ito labanan?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.