Single Blog

What Kids Can Teach Us About Commitment

KAPIT LANG PUSH MO LANG ITULOY MO LANG

Natatapos mo ba ang mga bagay na inumpisahan mo?
Umaayaw ka ba kaagad sa first sign ng pagsubok?
Mabilis bang magbago ang isip mo kapag bigla kang nagkakaTAMADitis?

Do these things resonate with you? Kung OO, ibig sabihin ay may weakness ka sa area ng commitment. I???m not speaking to you to make you feel insulted or slighted. I???m doing this in hopes of making you realize that you can completely turn around this point of vulnerability by simply observing a child???s ways, and maybe, learn a thing or two about how a young mind can choose to stay the course and be dedicated to completing a task or goal.

Have you seen a child in the following scenarios?
Sakay nang sakay sa bisikleta. Kahit nagkakasugat na, tuloy pa rin.
Panay ang akyat sa slide, kahit na mataas at delikado. Hindi batid, kahit may posibilidad na ma-injure.
Sali nang sali sa mga singing contests o anumang patimpalak, kahit hindi natatanggap. Walang kadala-dala, kahit ilang beses pa matalo.

Nakakatuwang isipin how children can be fearless and be effortlessly passionate about certain things – kahit masaktan, mahulog, madapa, at mapagod, hindi sila titigil.

Makikita natin how determined they are. Iiyak lang sandali kapag may setback, pero go na uli after a few minutes!

What???s their secret?

THEY ARE COMMITTED.

Committed silang matutong sumakay ng bike. Kahit mahulog, tuloy pa rin.
Committed silang maglaro at mag-enjoy, kahit may panganib silang pinagdadaanan.
Committed silang kumanta at mag-enjoy. Wala silang pakialam kung manalo sila o hindi.

Kung napapansin niyo, children can be committed with complete abandon – regardless of what the outcome or results of their undertaking may be.

This is a trait, we, grown-ups ought to admire and emulate. Push lang nang push.

Kadalasan kasi, ang bilis natin panghinaan ng loob:
Nasigawan lang ng boss, resign!
Nalugi lang ang business ng isang buwan, isasara na!
Hindi lang na-promote, feeling api na kaagad!

If we allow ourselves to wallow in despair or self-pity, eh malamang sa malamang:
Hindi tayo matututong mag-bike.
Hindi tayo makakaakyat ng slide.
Hindi tayo magwawagi sa anumang pa-contest.

KAPIT LANG. I-PUSH MO ‘YAN. ITULOY MO LANG.

There will always be risks, challenges, and pitfalls that we are bound to encounter in the future. Kaya dapat, paghandaan natin ang mga ito. Fight to stay committed, stay focused, and keep your eyes on the prize!

THINK. REFLECT. APPLY.

Anong gusto mong maabot na hindi mo matapos-tapos?
What is stopping you from fully achieving your targets?
How can you stay committed in everything you do?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link