Secretive ka ba?
Do you choose to be vague dahil natatakot ka sa reaksyon ng kausap mo?
Mas gusto mo bang itago na lang ang katotohanan, sa halip na harapin ang disappointment o galit nila?
Kapag tinanong ka ng friend mo:
“Maganda ba ako ngayon?”
“Oo naman, hindi lang naman ngayon.” (Kahit alam mo namang hindi ito totoo.)
Kapag tinanong ka ng misis mo:
“Tumaba ba ako?”
“Hindi ah! As a matter of fact, payat ka nga eh.” (Sinabi mo lang ito para hindi ma-offend ang iyong asawa.)
Okay lang naman na maging maingat sa pagsagot, pero hindi dapat umabot na ikaw ay magsisinungaling para lang matuwa at hindi masaktan ang isang tao.
Marami tayong matututunan sa mga bata, sinasabi kasi nila ang tunay nilang damdamin.
What admirable traits do children possess?
THEY ARE INNOCENT.
They just say how they feel, with zero brain-to-mouth filter. Children can be that transparent.
Kapag tinanong mo ang bata:
“Maganda ba ako ngayon?”
“Hindi po.”
“Tumaba ba ako?”
“Opo, hindi naman kayo pumayat.”
Speaking the truth is a walk in the park for a child.
Basta they feel na kailangan nilang sabihin, sinasabi nila nang walang paligoy-ligoy. They do not sugarcoat anything.
I am not trying to say na maging taklesa ka at sabihin mo na lang kung ano ang nasa saloobin mo. What I’m trying to say is, we need to speak the truth if we truly love that person. Pwede ka namang magpakatotoo na hindi masasaktan ang damdamin ng iba.
Kapag tinanong ka ng friend mo:
“Maganda ba ako ngayon?”
“Friend, ang kagandahan ay hindi lang naman nasusukat sa panlabas na anyo. Mas mahalaga kung ano ang nasa ating kalooban.”
Kapag tinanong ka ng misis mo:
“Tumaba ba ako?”
“Mahal, hindi mo kailangang magpapayat para mahalin kita dahil mahal na mahal kita – kahit man ano ang iyong pangangatawan.”
Gets mo ba?
THINK. REFLECT. APPLY.
Are you having a hard time telling the truth?
Bakit? Ano ang kinatatakutan mo?
Are you willing to be like the kids para mabunutan ka ng tinik sa dibdib?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article bring you light? Here are other related posts:
- Honesty Is Still The Best Policy
- Consequences of Dishonesty
- SINUNGALING NA PUSO
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.