Usapang proposal tayo mga KaChink.
Sa dami ng gusto ikasal o
nagbabalak na maikasal,
kung ikaw ang tatanungin,
ano ba yung dream proposal mo?
Dinner under the stars
tapos habang may kinukuha ka sa bag
biglang paglingon mo, nakaluhod na?
Sabi magbabakasyon lang kayo
sa isang napakagandang lugar
then after n’yo magselfie
sabay “Will you marry me?”
May nakahilerang photos n’yo
sa isang aisle akala mo naghanda lang dahil anniversary,
yun pala sa dulo, may nakaabang na cake…
paghiwa mo may singsing?
Awww, nakakakilig noh.
Lahat naman tayo ay may dream proposal
mapa tayo man mga lalaki ang magpo-propose
o ang mga babaeng nangangarap din.
Pero ito nga ba ang basehan
ng pagmamahal sa atin o
sa mga kaibigan nating na-eengage?
I hope we don’t see it that way.
Kahit pa simple o magarbo
ang pinaka mahalaga ay ang:
LAMAN NG PUSO wedding
(Photo from this Link)
Maganda nga ang proposal
rebound lang pala tayo.
Nakakikilig nga
napilitan lang pala dahil sa magulang.
What I am trying to say is
ang titignan natin ay yung sinseridad nung tao
at hindi yung halaga ng singsing,
eleganteng setup, o
presyo ng nagasta to pull off the proposal.
Makikita naman natin ito
sa kanilang mga mata.
Mararamdaman ng ating mga puso.
At iyon ang pinaka nakakikilig
at pinaka masayang feeling sa lahat.
HUWAG MAMINTAS wedding
(Photo from this Link)
“Ha? Ganon lang siya nagpropose?”
“Ano ba ‘yan parang hindi pinaghandaan.”
“Baka p’wet ng baso lang ‘to ah.”
Huwag naman tayo mamintas friend.
Kahit ano pa ‘yan,
pinaghirapan ng tao ‘yan.
Walang kahit anong mamahaling
singsing, restaurant, o pakulo
ang dadaig sa pagnanais ng isang lalaki
na mahingi ang kamay ng kanyang mahal sa buhay.
Learn to be happy for other people.
Kung tayo naman yung inalok ng kasal
appreciate and savor the moment.
Huwag hayaang dumaloy ang inggit
at iwasang makipag kumpitensya sa iba.
THANK THE LORD wedding
(Photo from this Link)
Because finally, this is it..
Ibinigay na ni Lord yung taong
makakasama natin habang buhay.
Lahat ng nangyayari ay dahil sa Kanya
kaya huwag natin Siya kalimutan.
Siya ang nagplano ng lahat.
Siya ang nagbuklod sa atin.
Manalig na sana maging smooth
ang paghahanda at talagang
#forever na ang ating pagsasama.
“Ang Wedding Proposal ay Hindi Sukatan ng Pagmamahal,
ito’y kung gaano Kabukal sa Kalooban”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
IPON KIT (Ipon Can + My Ipon Diary Book)
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit P300 +100sf
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“WHAT TO DO WITH 3 MILLION PESOS”
Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/Yq-EEe9-aC4
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.