May nakakalungkot na realization lang akong naisip kanina nung may nabasa akong may bagong labas na gadget:
Hindi ang presyo, brand, o bilis ng pagu-upgrade ng kumpanya ang nakakalungkot, kundi yung thought na marami nanaman ang magnanais bumili nito kahit na:
Kabibili lang.
May nagagamit pa.
Magkanda utang-utang, magkaroon lang nito.
Ang panahon kasi natin ngayon, lahat gusto mangyari in an instant.
Waiting is not on our list.
Maikli na kasi ang pasensya natin.
Sa lahat ng aspeto, walang mangyayari sa atin kung lagi tayong nagmamadali.
We need to understand that:
SUCCESS IS A PROCESS
(Photo from this Link)
Gaya ng sikat na kasabihang “Rome wasn’t built in a day,”
Hindi agad-agad at “matic” ang magagandang ganap sa buhay.
Lalo na kung pag-asenso ang pag-uusapan.
Mahirap man sa kalooban, kailangan tanggapin na ang..
- Promotion, pinagta-trabahuhan muna ng mahabang panahon.
- Pagyaman, nagsisimula sa paunti-unting pagtatabi.
- Pagbili, dapat pinag-iipunan muna.
Kung lahat na lang gusto natin makamit agad-agad, we wouldn’t be able to learn anything during the process.
Waiting allows us to appreciate the value of sacrifice, o yung tinatawag nating paghihirap, at pagtitiis.
MAY TAMANG PANAHON PARA SA LAHAT
(Photo from this Link)
Sabi nga ni Lola Nidora : “Lahat ay nangyayari sa tamang panahon.”
Isipin natin na kapag:
- Bumili ng mamahaling gamit na wala sa plano, madadagdagan lang ang utang.
- Na-promote ngayon, baka mawalan na ng oras sa pamilya.
- Insta-yaman, aasa na madali lang pala kumita ng pera.
Makakarating din tayo sa gusto natin.
Pacing lang yan, kapatid.
Maniwala tayo na:
GOD HAS PLANNED EVERYTHING
(Photo from this Link)
Alam Niya kung kailan tayo handa.
Alam Niya kung ito ba ay makabubuti o makasasama sa atin.
Sudden turn of events may overwhelm us o di kaya’y hilaw at hindi pa talaga tayo ready.
Kaya pinapatibay at gino-groom Niya pa tayo para hindi sayang ang opportunity when He finally gives it to us.
Gaya ng prutas, pahinog muna tayo.
“Ang pag-asenso ay isang PROSESO. Huwag madaliin ito”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- What have you been waiting for all this time?
- Bakit gusto mo na ito mangyari kaagad?
- Willing ka ba maghintay?
=========================================================
WHAT’S NEW ON YOUTUBE:
“How to Handle a Business with Bad Reputation”
Click here now—> http://bit.ly/2fkNEUU
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.