Bakit nga ba maraming nalulubog sa utang sa credit card?
In this blog I will share with you some tips on how to handle credit card payments mula sa mismong karanasan ni Ms. Bianca Gonzales-Intal.
CHECK YOURSELF
Syempre mahalaga yung kakayahan mo mismo na bayaran ang utang. Kasi halimbawa ang income mo is 10K then ang ginagamitan mo ng card ay halos 10K na rin.
O paano pa yung mga cash outs mo? In short, dapat mas mababa yung ginagamitan natin ng credit card sa actual income natin.
NEEDS VS. WANTS
Kailangan alamin natin kung kailangan nga ba talaga natin ang purchase na ito or gusto lang natin. Because we need to prioritize yung needs versus the wants.
Hindi income ang mag-a-adjust sa ‘tin. Tayo dapat ang nag-a-adjust sa income natin. Kung kailangan magbawas sa gastusin, dapat gawin ito para hindi malubog sa utang.
PAY IN FULL
Mahirap kasi na babayaran lang yung minimum na sinasabi ng bank. Napaka-tempting pero hindi ito smart way kasi mas mataas pa ang interest na pinapatong ng bank kaysa sa interest na nakukuha natin mula sa annual savings natin sa bank.
Kaya naman kung wala talagang pambayad para sa isang malakihang purchase, pag-ipunan na lang muna. Kaysa naman sa bumili ng mamahaling gadget o kung ano man na purchase pero ‘di naman kakayanin ang bayarin buwan-buwan.
Tandaan:
“Huwag umutang para lang sabihin na nakaangat na sa buhay. Dahil pagiging masinop sa pera ang totoong sikreto ng tagumpay.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga paraan para ma-budget mo ang sahod mo?
- Nababayaran mo ba nang full ang iyong credit card due?
- Bakit mo kinailangang magpurchase gamit ang credit card?
Watch this video:
Ang Sikreto Sa Tamang Paggamit ng Credit Card Ibubunyag Ng Celebrity
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.