Madalas ba kayong makipagtalo dahil sa hindi pagkakaunawaan?
Madalas bang kumontra ang iyong asawa sa mga business plan mo?
- Baka malugi lang tayo.
- Baka hindi ‘yan pumatok.
- Mag-aaksaya lang tayo ng pera diyan.
- Baka masayang lang ang pagod at panahon natin.
- Wala na bang ibang pwedeng i-negosyo?
- ‘Wag na lang tayo mag-business, ipunin nalang natin.
- Hindi pa sapat ang pera natin para makapagnegosyo.
- Hindi ko na kayang mag-asikaso ng negosyo.
- Takot akong magkamali.
- Iba na lang ang subukan natin, ‘wag lang negosyo.
Pamilyar ba ang mga ganyang linya?
Mahirap ang usapang negosyo, lalo na kung asawa mo ang kausap mo. Ito na ‘ata ang isa sa mga pinakamahirap at pinaka-challenging na eksena na pwede nating maranasan- ang hindi pag-agree ng asawa natin sa new endeavor na gusto nating pasukin.
Mahirap kapag:
- Magkaiba kayo ng perspective.
- Magkaiba kayo ng direksyon na gustong tahakin.
- Magkaiba kayo ng paniniwala.
- Magkaiba kayo ng mindset.
- Magkaiba kayo ng level ng tapang at boldness.
- Magkaiba kayo ng gusto.
Bilang asawa na nais magnegosyo, pero ayaw ng kabiyak mo, anong maaari mong gawin para ma-resolve ang ganitong conflict?
HAVE A HEART-TO-HEART TALK.
Mag-usap kayo ng puso sa puso. ‘Yung masinsinang usapan. Let your spouse know the reason why you want to pursue that business. Pour your heart out. Dahil asawa mo siya, sigurado akong kahit gaano pa siya kakontra sa idea, mapapa-oo mo pa rin sya dahil mahal ka niya at may tiwala siya sa iyo.
GIVE YOUR SPOUSE SOME TIME.
Walang pilitan. Don’t pressure your spouse na umoo sa’yo. Hayaan mo siyang makapagmuni-muni muna at makapag-isip. Lahat ng bagay ay may perfect timing. Allow your spouse to reflect by himself/herself.
ASSURE YOUR SPOUSE.
Minsan, ayaw mag-risk ng mga asawa natin dahil natatakot sila. Which is why, is very important to:
- Reassure him/her that whatever happens, walang iwanan.
- Make him/her feel secure na hindi mo siya ipapahamak, na gagawin mo ang best mo, at ang lahat ng makakaya mo para magtagumpay kayo. I-guarantee mo sa kanya na you will take full responsibility.
- Tell him/her that you have his/her best interest at heart.
COMPROMISE.
Para magkaroon ng katahimikan, bakit hindi kayo magtagpo sa gitna?
Kung ang puhunan na request mo ay P50,000, baka pwede na munang mag-umpisa sa P25,000?
Hindi biro ang magnegosyo. Huwag natin tingnan na kontrabida ang mga asawa natin kapag humindi sila. They just want to challenge our ideas.
Pero kung talagang negative ang mindset nila about it, hawaan na lang natin sila ng positivity. Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang magkasundo kayo at maging isa sa decision na gagawin ninyo.
At least, pinagbigyan niyo ang isa’t-isa.
Tandaan, maganda rin naman ang layunin ng bawa’t isa sa inyo.
THINK. REFLECT. APPLY.
Nakumbinsi mo na ba ang asawa mo na magnegosyo?
Nakapag-usap na ba kayo ng mabuti?
Have you assured your spouse?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.