Isa sa pinakamalaking usapin sa mag-asawa ay ang mga biyenan dahil alam naman natin na ang bawat isa sa atin ay may iba’t ibang paraan ng pagpapalaki.
May iba na traditional sa buhay, may iba naman na napaka-liberated sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Kaya naman nadadala rin ito sa mismong pag-aasawa.
Pero paano nga ba dapat pakisamahan ang mga biyenan?
RESPECT THEM
Mahalaga ang pagpapakita ng respeto sa ating mga biyenan. Kahit minsan magkakaiba tayo ng pananaw at paniniwala sa isang bagay, kailangan ay may respeto pa rin tayo sa kanila.
Hindi ibig sabihin na tama tayo ay kailangan na nating bastusin ang ating mga biyenan. Mahalaga pa rin na may pagmamahal tayo sa kanila na parang sariling magulang na rin natin.
SET A SCHEDULE OF VISIT
Syempre dahil may sariling pamilya na rin tayo, kailangan na rin na huwag din nating kalimutan na may mga magulang pa rin tayo at gusto rin nila na naaalala pa rin natin sila.
Mahalaga rin na mag-set ng time kung kailan sila pwedeng bumisita para makita rin ang mga apo kasi kung anytime, anywhere pwede silang pumunta, minsan nawawala rin ang ating privacy.
GIVE SPECIAL ATTENTION
Lagi nating alalahanin kung kailan ang mga mahahalagang okasyon na kailangan ay nandun tayo para sa kanila. Kahit walang okasyon, basta kahit 2 sa isang buwan ay makita rin natin sila at makamusta.
Huwag nating antayin na dumating ang araw na wala na sila at saka lang natin sasabihin na mahal din natin sila.
“Mahalin natin ang ating biyenan na parang sarili nating magulang.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga hindi ninyo napagkakasunduan ng iyong biyenan?
- Paano mo sila pinapakisamahan?
- Tuwing kailan ninyo binibisita ang sarili ninyong mga magulang upang magkaroon ng bonding?
Watch this Video
Usapang Biyenan! 5 Tips To Make A Happy Mother-in-law
https://www.youtube.com/watch?v=FJTIoM9abWw
Having your dream marriage is within your reach! The answer and solution to all your problems is within your grasp. We can help you attain your dream marriage with our seminar… “HAPPY WIFE, HAPPY LIFE!”
**HAPPY WIFE HAPPY LIFE ONLINE COURSE FOR ONLY P799** Click here: https://lddy.no/8vdb
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.