Mahilig ka bang mag-upgrade ng gadgets?
Mahilig ka bang mag-upgrade ng iyong looks?
Gaano kalaki ang ginagastos mo sa mobile data?
“Upgrade your plan now, get a brand new phone for FREE!”
“For as low as P2,500/month, you???ll get your very own (insert model phone) – payable for 24 months.”
Bakit ka ba nag-uupgrade? Dahil gusto mo ng…
- Mabilis na internet?
- Magandang resolution ng camera?
- Slim and lightweight?
- Bigger memory?
Tiyak, these telcos can dish out something that will tempt us.
Nakakatawa lang isipin na kung gaano kabilis ang pagbago ng technology, ganoon rin kabilis ang pag-switch ng preferences natin.
“Bakit, Chinkee? Masama bang mag-upgrade?”
Not at all! As long as di ka nahihirapan magbayad at dapat cash ang pang-upgrade mo.
Pero minsan, nasisimot ang pera natin dahil sa mga standards natin sa isang telepono. Kada may bago, hinahabol natin ito – kahit lagpas na lagpas na ito sa budget natin.
Anong kailangan nating gawin para hindi tayo mamulubi?
HUWAG MAGPAKITANG-TAO
Sakto lang ang sahod, pero top-of-the-line mobile phone ang kinukuhang unit.
Kulang na ang budget, pero naka-P2,500 ang data plan.
Wala nang naitatabi, nag-avail pa ng 1TB na mobile data.
Ang karamihan kasi, natutuksong tanggapin ang mga ganitong promotions. Hindi dahil sa kailangan nila, kundi dahil gusto lang nilang makipagpaligsahan sa iba. Kaya tuloy, kahit wala naman sa budget, pinipilit natin itong isiksik for the sake of pakitang-tao.
LEARN SELF-CONTROL
Ano ba ang mga kailangan talaga natin that???s essential during the day?
- Maka-send ng text.
- Makatawag.
Ito lang naman, ‘di ba? Dati nga, call and text lang, solve na solve na tayo. Pero ngayon, ang dami na nating hinahanap na iba pang features.
“Chinkee, paano ang e-mail? Magfa-Facebook pa ako para updated. Kailangan, always online.”
Maki-wifi ka na lang sa kapitbahay mo o ‘di kaya, maki-share ka na lang sa pagbayad ng kanilang internet plan para ma-share sa inyo ang kanilang data plan.
Finally, my unsolicited advice to you is: If you can???t afford it, tell yourself…
IT CAN WAIT
Kung hindi mo kayang i-upgrade ang bagong gadget at data plan mo, matutong magtiis, magtiyaga, at maghintay.
Work is done in the office and checking of social media or e-mails can be done at home.
Meaning, hindi kailangang 24/7 online ka dahil kung ganito rin lang, mapipilitan tayong mag-register nang mag-register at magpataas ng data limit just to satisfy what we want to do at the moment – na pwede namang makahintay.
Gets mo ba?
Ultimately, ang goal natin kung bakit tayo kumikita ay para guminhawa ang buhay natin.
Uulitin ko, kapatid. Walang masama sa pag-upgrade kung kaya mo at hindi ka mahihirapan sa pagbayad nito in cash.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano ang gadget at mobile plan mo ngayon?
Kasya ba ito sa sweldo mo o nagigipit ka na dahil sa excessive na upgrade or additional load?
How can you further lessen the temptation na kailangan mong mag-upgrade?
===================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Here are some more other related posts:
- PORMA NOW, PULUBI LATER
- Bonggang Date Now, Pulubi Later
- Takaw-Mata Now, Pulubi Later
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.