Bakit may mga taong parang lahat ng mahawakan nila
nagiging ginto? Well, hindi naman literal pero ibig
kong sabihin ay nagiging successful sa ginagawa nila.
Samantalang may mga tao rin naman na hindi pa
man nagsisimula ay parang talo na agad. Ayaw nang
sumubok dahil natatakot at humihinto na lang agad.
In this blog, let me share the common negative words
that unsuccessful people usually say. Ito yung mga
salitang ginagamit nila kaya walang nararating.
Check this out. Baka ikaw din..
MAMAYA NA LANG. SAKA NA.
Alam na alam na natin yung katagang “Time is gold”.
Pero kung ang bawat minuto, bawat oras ay nasasayang
lamang dahil hindi natin ginagawa ang dapat nating gawin,
nasasayang ang bawat sandali at panahon natin. Bakit natin
kailangan sabihin na mamaya na o saka na kung pwede naman
talaga nating gawin ngayon?
Nakasanayan na ba ito kaya mahirap nang alisin sa
sistema ng katawan natin? Ano ba ang magpapabago
sa kaugalian na ito? Bakit palagi nating sinasabi ito?
Kasi busy? Busy saan? Ano ba ang mas mahalaga?
Mas mahalaga ba talaga yang ginagawa mo na hindi
maaaring unahin ang mga dapat at kailangang gawin?
Saka na lang ba natin gagawin ang dapat kapag
kailangan na kailangan na? O kaya kapag may nagalit
at may napahamak na? Think again. Nakatulong ba ito?
Madalas din nating naririnig ang mga salitang ito:
HINDI KO KAYA. HINDI KO ALAM.
Hindi ba talaga natin kaya or we are just making an excuse
para tapos na. Hindi kaya. So tapos na wala na. Hindi
man lang ba gagawa ng ibang paraan para kayanin?
Hindi ba talaga alam o hindi naman talaga inalam? Mag-
kaiba rin kasi ito. Marami kasi ang gumagawa na lang
ng palusot. Hindi man lang gumagawa ng paraan sana.
Kung hindi kaya, eh mag-isip ng ibang paraan na
pwedeng kayanin. Kung hindi alam, eh mag-effort upang malaman.
Ang difference ng taong may alam sa wala ay ang paraan.
Yung isa naghanap ng paraan. Yung isa ay hindi na
gumawa ng paraan. Sa buhay, hindi naman natin kailangan
alamin ang lahat ng bagay. Kaya piliin lamang ang dapat.
Alam mo buhay ng kapitbahay mo, samantalang hindi mo
man lang alam kung paano mag-invest? Kaya maraming
naloloko na lang dahil hindi naman talaga inaalam.
Basta na lang sige pasok!
BAHALA NA. OKAY NA ‘YAN. PWEDE NA ‘YAN.
Nahirapan na tayo kaya bahala na. Sige na tama na.
Hayaan na lang ang universe ang kumilos tutal sa tingin
natin ay ginawa na natin ang lahat.
“I did my best” ang peg.
Basta ginawa na natin, okay na yun. Pwede na. Kung
hindi natin kaya makontrol ang mga bagay, kailangan
ay mapaghandaan man lamang ito. Hindi yung bahala na.
Lalo na sa negosyo or sa investment, hindi pwede na
okay na. Kailangan tingnan natin ang bawat anggulo para
mapaghandaan ang maaaring mangyari na hindi maganda.
Mas mabuting mapaghandaan ang isang bagay na hindi
nangyari, kaysa sa hindi napaghandaan ang isang bagay
na nangyari. Tapos sa huli tayo magsisisi.
Huwag nating sayangin ang mga pagkakataon na maaaring
makapagpapabago sa takbo ng ating buhay. Kaya dapat
mag-isip ng mga paraan na magpapaunlad ng ating sarili.
“Huwag magpakain sa mga hindi magandang kaisipan
dahil may kakayahan tayong baguhin ang ating nakasanayan.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga kaugalian mo na dapat mong baguhin?
- Bakit ganito ang paraan ng iyong pag-iisip at ang iyong pananaw?
- Gusto mo bang maging successful din sa iyong buhay?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.