Madalas natin marinig at gamitin ang salitang unprecedented.
What it really means is “never been done before”. Wala pa ang gumagawa.
There are so many unprecedented things that our incoming President Rodrigo Duterte and Vice President Leni Robredo have in common.
Mag umpisa tayo kay Pres. Duterte.
Unprecedented na siya ang unang nahalal na pangulo na hindi dumalo sa kanyang sariling proklamasyon. Based on inside info, from a close associate of Pres. Duterte, it’s because he doesn’t want the attention and wants to get things done instead.
Kay Vice Pres. Leni naman, unprecedented na ang isang public official ay nagkokomute tulad sa milyon ng mamamayang Pilipino.
Pero ito ang kapansin-pansin: SIMPLE ang kanilang pamumuhay.
So sobrang simple, pinili pa ni Pres. Duterte na wala sanang magbago sa kanyang routine. Lalabas siya na walang bodyguard at matutulog sa kanyang kwarto gamit ang kanyang magic kulambo.
Hindi pumasok sa kanilang ulo ang kapangyarihan at tagumpay.
Walang kayabang-yabang o pagmamalaki. Si President-elect Duterte at si Vice President-elect Leni ay parehong magandang halimbawa ng pagiging public servant.
Hindi ako kasing-sikat ni Duterte at ni Leni. Pero sa larangan ng aking trabaho, hindi ko maiiwasan na may mga nagpapa-picture, nagpapa-autograph, napapakinggan ka sa radyo, napapanood rin sa TV, at may 600k followers sa FB. Kailangan kong ipaalala sa aking sarili na nandito ako hindi para magpasikat, kundi para gampanan ang responsibilidad na magbigay ng positibong pananaw at gabay sa mga taong nawawalan ng pag-asa. Maniwala kayo, nakakabulag ang kapangyarihan, katanyagan, at kayamanan.
I often remind myself, kung si Mayor Duterte at si Ma’am Leni stay simple at hindi nagyayabang, ano ang K ko?
They are now my great sources of inspiration on how to stay humble – despite of power, fame, and success.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw, how do leaders you look up to inspire you?
Ano ang natutunan at na-realize mo sa kanila?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also check on these related posts:
- LINGON-LINGON PAG MAY TIME
- Ang Tunay Na Mayaman Ay Galante
- Ang Tunay Na Mayaman, Hindi Nagpapa-Impress
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.